Ang Tipikal na Umaga

Many thanks kuya Google sa imahe :)

(Many thanks kuya Google sa larawan…)

“Habang masayang naaarawan ang mga puno at halaman sa pagbubukang-liwayway, heto ako ang balisang lumalanghap ng polusyon na galing sa mga sasakyan”

~4 hours ago, sa loob ng jeep

Kasisimula pa lang ng magandang araw ni Papa Lord e siksikan na ang mga sasakyan sa kalsada. Marahil ay dala ng mga pinagkakaabalahan ngayong Kapaskuhan. O malala lang talaga ang problema ng Pilipinas sa traffic.

Ang dami-dami nilang remedyo na kung anu-anong batas at polisiya para maibsan ang traffic e hindi naman nasusulosyunan ang ugat ng problema. Ang maraming sasakyan na nasa kalsada. Sa dami e nagmimistulang isang malaking parking lot ang mga national road at highway. Ibig ba sabihin nyan e yumayaman na ang mga Pilipino at afford na ang pagbili-bili ng sasakyan?

Kung ako lang ang masusunod, mahigpit ko ipapatupad yung kapag nasa 10 years na ang sasakyan ay hindi na pwede sa kalsada. Pero sa Pinoy kasi basta gumagana at umaandar pa, pwede pa yan.

Ipagbabawal ko rin ang pagpasok ng surplus na sasakyan at mga piyesa nito. Marami nga lang matatamaan na negosyo at maraming aangal na kumakabig sa Custom. Yung mga chop-chop na lang ang pwede mula sa mga carnap. Ahihi, joke lang.

Hindi na rin papayagan ang pagbebenta ng secondhand na sasakyan ng hindi natatransfer pati yung pangalan. At isang beses lang maaaring gawin ang pagbebenta. Wala ng 3rd, 4th, 5th ownership.

Lilimitahan ang prangkisa ng mga pampasaherong sasakyan ng naaayon sa pangangailangan ng lugar. Hindi rin papayagan makabyahe yung mga “Registered, No Plate Available” ha.

Ang resulta, bawas ang sasakyan sa kalsada at siguradong mababawasan ang traffic. At sigurado din akong matutuwa si Inang Kalikasan dahil bawas ang polusyon sa hangin na nagmumula sa mga usok ng sasakyan.

Hindi na ako magmumukhang holdaper sa katatakip ng mukha para hindi makalanghap ng sariwang carbon dioxide at carbon monoxide. Ganun lang kasimple yung naisip kong sistema pero hindi madali. Dati, lagi ko sinasabi na balang-araw magkakasasakyan din ako. Pero kung makakadagdag naman ito sa magiging pasakit sa mundo, magdadalawang-isip na muna ako.

Masayang araw sa inyo!

Advertisements

Earth Hour: March 28, 2009 (8:30pm-9:30pm)

Aaaaaaayt! Namiss ko ‘to! Tagal na din kasi busy ng konti sa buhay buhay.

Ano nakiisa ka ba? Ang saya nito! Biruin mo sa loob ng isang oras e naginhawaan kahit na papaano ang ating inang kalikasan. Isang laban para sa palala nang palala na pag-init ng mundo. Ang Pilipinas lang naman ang nanguna sa buong Asia sa dami ng lungsod, distrito at bayan na naki-isa sa Earth Hour. Excited nga ako ng tumuntong na ang takdang oras. Lahat ng ilaw at kagamitang gumagamit ng kuryente ay kinitlan ng buhay.

Paglabas nga namin ng bahay ang liwanag pa ng paligid. Parang kami lang yata ang nakikiisa pero nang makita ko advance para yung orasan namin sa sala ng isang araw. Hahaha! pero hindi na kami nagswitch ulit ng ilaw. Hinintay na lang namin. Pagkatapos pa ng ilang minutong lumipas unti-unti nang dumilim ang paligid. Sa kabila ng malasakit sa kalikasan, meron at meron pa rin talagang mga jologs na walang pakialam katulad ng mga kapitbahay namin sa may unahan na hindi man lang nagpatay ng kahit na isang ilaw at patuloy pa rin ang panunuod ng tv na pagkalakas ng sounds na akala mo e first time nila makapanuod ng tv.

Haaay! kapag magugunaw na ang mundo sinisiguro ko na kayo yung mga unang kakainin ng lupa at kaming mga nakiisa sa Earth Hour lang ang mga matitira. Tapos sisibong ang bagong simula at mabubuo ang bagong mundo
na sagana sa yaman na likas.

Teka, ano nga ba ang resulta? Para sa Luzon katumbas lang naman ito ng pagpatay ng isang Coal Plant na nagsusupply ng kuryente sa buong Luzon. Sa Visayas at Mindanao, sa dami rin ng nakiisa, sobrang laki din ng nabawas sa pagkunsumo ng kuryente.

Ang epekto. Bahagyang natigil ang polusyon sa hangin at polusyon sa tubig. Nabigyang-daan ang mga mumunting nilalang sa kapaligiran na magkaroon ng bagong pag-asa. Ang Inang kalikasan, bahagyang nakaluwag sa paghinga.

Hindi ito testing para sa 2010 election ha! Nakuu! kung nagkataon e tuwang-tuwa sa galak ang mga ganid sa kapangyarihan na mga halang ang bituka.

Maaaring isang oras lang yun pero kung makakasanayan natin, malaking tulong para sa mundong ating tinitirhan sa kasalukuyan. Sobrang ramdam na ang pagbabago sa ating paligid, hindi ka ba natatakot? Ang pagbabago ng klima na hindi akma sa panahon ay isa lamang senyales. Kung sa ngayon ay hindi man natin direktang nararamdaman ang epekto. Sa mga susunod na henerasyon sigurado ako na sila ang makakapagdetalye ng kwento.

Hanggang sa susunod na Earth Hour!