Ay! BER months na pala!

Ang bilis ng panahon ano? Parang kabibirthday ko lang eto at magtatapos nanaman ang taon at magbibirthday nanaman ulit ako. Ano na nga ba ang inaasahan natin sa huling tatlong buwan ng taon na ito? Ciempre una na dyan ang selebrasyon ng Pasko at Bagong taon. Pero di ba dadaanan pa ang Undas, birthday ni crush, araw ni Bonifacio at araw paggunita sa pagkakatatag ng barkada namin na hanggang ngayon e kumpleto pa rin. Astig! ang hirap buwagin kaya sana sa muling pagkikita e makarating lahat.

Sa undas, prayers para sa lahat ng mga mahal sa buhay na sumakabilang-buhay na. Yung iba kasi ang layo nila. Kaya hindi ko masisiguro na mabibisita ko silang lahat. Maliban sa kulang ang oras ng bakasyon, for sure e kukulangin din ang budget sa dami ng dapat puntahan kaya sa mga hindi ko mabibisita, kayo na lang ang bumisita sa akin. Pero dapat isa-isa lang ha para naman hindi ako mabigla. *Change of mind* Mas mainam siguro kung minsanan na lang, para isang malakas na “haaaaaaa!” lang ang sigaw ko tapos kumustahan na.

Birthday ni crush? Ahhm, di ko pa alam kung ano ireregalo ko. Sarili ko na lang yata, Hahaha! Maglaway sya! Kahit na crush ko pa sya e hindi naman ganun kadali ang lahat ano. Physical attraction lang naman, hindi ko naman sya kasi nakakasama ng madalas kaya hindi ko pa alam kung ano talaga ang ugali na meron sya. Ipapauri ko pa sya kay kuya para malaman natin kung ano ang kartada nya. Kuya huwag mo tatakutin ha!

Kahit na hindi na masyadong pinagdiriwang ay huwag naman sana natin makalimutan na may mga natatanging nilalang sa mundong ito na nanindigan at nakipaglaban para sa ating kasarinlan at kalayaan. Isang saludo sa kanang kamay habang nakataas ang kaliwang bisig na may hawak na gulok. Sisigaw ng “Mangangahoy na ako!”.

Rock and roll Gat Andres!

Barkada trip maglilimang taon na! Makakarating ang lahat ha! Update update na lang.

Eto ang highlight, ang Pasko. Sabi nga nila lalabas nanaman ang pera ng mga pinoy. Nandyan kasi ang Christmas bonus, mga regalo at samu’t-saring paraffle na gift certificate, groceries, home appliances (gaya ng radyo, tv, washing machine at rice cooker) at kung anu-ano pa na pwedeng maging papremyo. Gayun pa man, kahit na hindi ka nga nakakaluwag sa pera e maghahanda at maghahanda ka para sa noche buena. Nakakaexcite na ano? Pero kumusta kaya ang pasko ng batang naglalako ng sampaguita sa kalsada? Kumusta ang pasko ng batang nagpupulot lang ng basura? Kumusta ang pasko ng sa kariton lang nakatira? Tuwing pasko lang ba nakakakain ng mansanas? Kung marami lang sana akong pera lahat sila bibigyan ko ng sapat na pagkain para pagsaluhan ng kanilang mga pamilya. Hindi na importante kung gaano pa kasarap yung handa dahil wala ng mas sasarap pa sa kumpletong miyembo ng pamilya na masayang nagsasalusalo at nagkakasamasama.

Bagong taon, bagong simula. Panibagong kwento at kabanata. Bagong pag-asa para sa mga hindi pinalad sa nakaraang taon. Na sana ang pag-asa ay hindi na lang mauwi sa wala. Na sana hindi umabot sa susunod na taon na umaasa pa rin. Panibagong paghakbang paharap. Sa mga hindi magandang nagyari, kapulutan ng mga aral. Ang mga magagandang karanasan, baunin at gawing inspirasyon. Dagdag kalasag sa pagharap sa bagong taon.

Sisimulan natin ang Enero uno ng malakas ang tugtog sa bahay, kumpleto ang mga daliri at masayang nakangiti. Kahit na naubos na ang pera, ayos lang dahil hindi naman matutumbasan ang kasiyahan na nakasama mo ng kumpleto ang pamilya sa pagsisimula ng bagong taon.

Sa susunod, kapiling pa kaya natin ulit sila?

Paskong Paksiw

Uy! lapit na ilang araw na lang.

Ang buong sambayanan, kahit na anong antas e pilit pa rin pinaghahandaan ang pagsapit ng pasko sa ibat-ibang paraan sa kabila ng pahirap na pahirap na estado ng buhay dahil sa mga lintang walang humpay na sumisipsip at nagkakamal sa loob ng palasyo ng mga walang pakialam at walang konsensya. Kahit na sabihin mong simple o kahit na wala man masasarap na pagkain sa hapag kainan ang karamihan, ang importante naman e masaya at kasama mo ang mga importanteng tao sa buhay mo.

Tara, isa-isahin natin.

Xiempre una ang miyembro ng tropa, ay pamilya pala. Wish ko lang na kumpleto at makarating ang lahat. Minsan na nga lang sa isang taon ang family reunion hindi pa nakukumpleto. May kanya-kanyang pamilya na rin kasi. Yung mga relatives na matagal ng hindi nakasama, makikilala pa kaya kayo agad kapag nagkita-kita ulit? *sigh, nakakamiss*

Sa mga kaibigang nag-iba na ng landas. Hindi yung mga napariwara, nalulong sa drugs at nasira ang buhay ha. Sila yung mga nagdecide na mangibang-bayan, nag-asawa na, nagpalit ng career, nagpachange-sex, nagladlad at pumatol sa kaparehong kasarian. Kung ano man ang ginagawa nyo ngayon, malaking pasasalamat ko at wala na kayo sa buhay ko. Nyahahaha! baka seryosohin nyo ha! Isang pasasalamat sa inyo at nabigyan ako ng pagkakataon na makasalamuha kayo. Kahit na hindi na nga ganun kadalas ngayon, yung iba nga e talagang wala ng komunikasyon. Ayt! Dito parin kayong lahat sa storage ko ng mga importanteng tao sa buhay ko. Walang format walang erase. Maintain lang.

Sa mga bagong kakilala at mga kaibigan na hindi pa ganun kaclose, huwag kayong mag-alala magiging close din tayo. It takes time huwag madaliin. Be thankful at nabigyan kayo ng pagkakataon na makasalamuha ako. Hehehe! Ang yabang naman neto! Baka mamiss-interpret nyo ha! Goal ko lang kasi na magkaroon ng isang milyong kaibigan. Yung totoong kaibigan ha at karapatdapat na tawaging kaibigan. Hindi counted yung kunya-kunyarian ha.

Sa mga nagdecide na magsara na ng pintuan, hehehe! kita ko naman ang loob dahil sa laki ng bintana. Mahirap naman kasi dayain ang sarili at magpanggap na wala ng pakialam. Pinapahirapan nyo lang mga sarili nyo. Hindi natutuwa si God sa mga mapagpanggap. Pero labas naman na ako dun. Yan naman kasi yung desisyon na pinili nyo dahil sa ayaw nga ng kumplikasyon pero kayo din naman gumagawa ng sarili nyong multo para katakutan. Awoooo! See how much i miss you! (all)

Sa mga pakawaykaway lang dyan. Kung minsan nga e mas may kabuluhan pa kayong kakwentuhan kumpara sa mga nagpapanggap at manggagamit. Dami ko natututunan sa inyo. Hindi ko man kayo ganun kadalas makasama, wala na ako hahanapin sa mga pagkakataong nagtutugma ang mga bakanteng oras natin.

Sa mga insecure. Sorry ha! hindi naman kasi talaga kayang i-please ang lahat kaya ipagpepray ko na lang kayo para sa marami pang blessing at good health. Gayun din sa mga taong may ayaw sa akin (dahil ba sa hindi ko maharap ipacopy yung collection ko ng mp3, tsk, tsk tsk!) Gayundin sa mga taong hindi ko masyadong nagugustuhan na naninira ng mood ko, sa mga nayayabangan sa akin (dahil ba sa updated ako sa episode ng naruto shippuden), sa mga nagsusulat ng pentel pen sa upuan ng bus at nagvavandalism sa tiles ng cr. More prayer at blessing sa inyo.

Sumatotal, Yeebah! ang saya dahil sa mga taong katulad nyo, heto ako at positibo ang pananaw sa buhay. Heto ako at mapalad. (lam nyo na ba ang ibig sabihin ng mapalad?) Heto ako basang-basa sa ulan, nakalugmok sa lupa matapos pagsasaan ang gusto at iwanan na lang ng basta-basta. Tapos, tapos….

Erase, erase! iba na story yan!

Simple lang naman gusto ko iparating. Gusto ko lang magpasalamat sa lahat mula sa mga simpleng maliliit na bagay hanggang sa mga simpleng maliliit na bagay ulit hanggang sa mga kumplikadong malalaki bagay at sa lahat ng mga naganap positibo man o hindi. Ang lahat ng yan, biyaya sa akin!

Ito ang aking pasko ng pasasalamat! Ito ang bagong taon ko ng pasasalamat! Hanggang sa kaliit-liitang bagay, maraming maraming salamat.

Isang Maligayang pasko at masaganang bagong taon sa inyo at sa inyong pamilya at sa pamilya ng inyong kapamilya hanggang sa ikalawa at ikatlo pang pamilya. (May ikaapat pa ba? Astig! Idol kita!)

Putukan na! (Pareho lang po ang New Year at Valentines Day)