Ang Pagpatak ng Ulan sa Loob ng Bahay

Ay! Ang tagal na rin pala. Akala ko puro color green na ang makikita ko dito dahil sa pagtubo ng kung anu-anong bryophyta. Mabuti na lang at ganun pa rin katulad nung dati. At kumusta naman daw ang matagal na pagkawala sa sirkulasyon? Ayun, parang nababad sa tubig baha ang utak kaya hindi na gumagana para makapagproduce ng makatas na balarila.

Ano na nga ba ang bago? Ang dami nang nagyari. Merong nakapagpalit na ng trabaho at meron na ring nawalan ng trabaho. Nagawaran na rin ng pagkilala yung mga nanalo sa patimpalak sa pagsulat. Meron nang nakamove-on pero bumalik ulit. Parang si Igme lang, nakalayo na e bigla na lang nagmani-obra. Kasi nga daw it’s more fun in the philippines. Meron pa rin naghihinagpis na parang wala nang katapusan ang paghabol sa madulas at mailap na pag-ibig. Meron na rin mga nagsipaalam at hindi na muling babalik. Sadya nga yata talagang ganun, nakikilala lang at napapahalagahan yung mga ginawa at ginagawa mo kapag wala ka na sa mundo. Bigla ako tuloy napaisip kung ano kaya ang kasunod pagkatapos ng aking ending.

Hmmmmmm… Ang sarap talaga ng pakiramdam ng bagong gising! Di ba nga dapat natin ipagpasalamat araw-araw yung paggising natin sa umaga dahil pinapayagan pa tayo ni Papa God na mabuhay pa ng isa pang araw. Kahit na alam ko na mataas ang tsansa na mahuhulog ko nanaman ang sabon sa bowl sa banyo. Eh kasi naman nakaugalian ko na ang magpatong ng paa kapag nagsasabon ng binti at paa kapag naliligo. Hindi na mabilang na dove at safeguard ang pinanghinayangan ko. Yung iba nga ay kalalabas lang ng box tapos konting bula lang e bye bye na. Sigh!

Parang ako lang sa medyo matagal kong pananahimik. Ewan ko ba, parang lutang lang. Sa sobrang dami nga ng iniisip, kahit isa ay wala naman masabi. Madalas na nga akong gising tuwing alas tres ng madaling araw tapos makukuha ulit ang antok sa bandang alas singko. Ang weird noh? Sabi ko nga baka naman may sakit na ako na hindi pa natutuklasan ng siyensya. Bakit ba kasi ang bagal ng gabi? Yun nga lang hindi naman kasi pwedeng madaliin kaya wala kang choice kundi ipagpatuloy ang pananaginip ng gising. Sa isang banda ay nagambala daw yung body clock ko kaya ganun. Ang naaalala ko lang naman na pinag-ugatan ng lahat nito ay nung magising ako minsan ng madaling araw para umihi. At pagkatapos nun sa di malamang dahilan ay nagswitch-on ako ng tv at pinaglibangan ko panuorin ang london olympics. Ayun lang, hanggang ngayon naman na. Haaay! Sura!

O sya! Wala naman na akong masyadong ibahagi. Wala din naman akong opinyon na mabibigay sa mga napapanahong issue. Wala rin akong importanteng sasabihin at wala na rin pala akong pera ngayon. Gusto ko lang mangumusta at sana at nasa lutang na kalagayan din kayo ngayon. Ahaha! Nanghawa pa!

Isang mapagpalayang araw sa inyo!

Advertisements

Sentikuno…

Another Sunday morning once again! Ay teka, mali yata ang bungad ko. Isang mapagpalayang Linggo sa inyo! Ang saya nanaman nito. Siyempre! siyempre! Kagaya ng dati, magiging mahaba ang araw na ‘to. Pero ang gusto ko, dito lang ako sa bahay. Kasama ang pamilya, kinig ng musika, kain kapag nagutom, nood ng tv at dvd at ang pinakapaborito ko – matulog sa hapon. Madalang ko na kasi nagagawa yan kaya sisiguruhin ko na makakatulog ako ng sapat pagkatapos ng pahinga pagkakain ng tanghalian.

Haaay! Nakakamiss! Kumusta? Ang dami nang nangyari. Yung iba nasakyan, yung iba hindi maunawaan. May determinado, may nagugulumihanan. Muntik na nga magkawalaan pero buti na lang at nahanap pa ng tumanaw na sa malayo. Nakuu! hindi ko yata linya yun at hindi ako yun pero nakita ko ang sarili ko na nakasunod sa mga yapak ng nakapiring ang mga mata. Nakakatawa lang isipin na ang dating nakatanaw e sya na ngayon ang tinatanaw. Kung sabagay, wala naman permanente maliban sa pagbabago kaya hindi na dapat magtaka di ba?

Namimiss ko ang mga kaibigan ko ng mga nasa malayo. Naalala pa kaya nila ako? Ay sus! tono na ng nagtatampo. Ciempre naman hindi! Hahaha! Hindi na nga nila ako naaalala. Hmmm… for sure maiisip nila ako kapag mag kailangan na ulit sila. Pero akala ko lang naman yun. Alam ko naman na hindi man kami madalas magkumustahan, nararamdaman ko na rin sila dito bilang mga kaibigan kaya walang dahilan para pag-aksayahan ko ng pagtatampo ang ganung kababaw na katwiran. Dahil kung hindi man, hindi ko sila kawalan. Har har har!

Pero sa totoo lang. Ang namimiss ko ay yung mga makabuluhang kwentuhan. Yun bang kahit na isang tasang kape lang ang pinagsasaluhan e parang isang engrandeng handaan ang kaharap dahil sa sarap ng usapan e halos hindi maubos-ubos ang laman ng iniinom. Oo nga at nagkakausap dahil sa tawagan pero ang bilis naman kasi kaya hanggang kumustahan lang. Hindi na nagagawang pag-usapan ang mga nangyayari sa ilalim ng araw at buwan. Bakit kasi ang layo mo, nung huli akong nandyan hindi ko pa naramdaman ang mga yakap mo. Mas lalu tuloy ako nangungulila sayo. Pero sa susunod na pagkikita huwag mo na kalimutan ibigay yan ha! Dahil kung hindi, wala na akong ipapadalang mp3 at pictures ko. (Para mas lalu nyo akong mamiss ^_^)

Haaay! Sapat na muna yan siguro, dami ko pang gustong gawin sa Linggong ito. Magbobonding pa kami ng mga askal at pusakal ko. Mag-aani at magpaparami rin ako ng tanim. Sa susunod na ulit ha! Susulitin ko pa ang araw na ‘to.

Kumusta?

Kung sakaling darating ang panahon na makakaharap ulit kita, ano kaya ang masasabi ko? Malamang ngingiti na lang ako at sasambit ng “kumusta?” Hindi mo naman kasi ako binigyan ng dahilan kaya hanggang ngayon e hindi pa rin malinaw sa akin kung bakit bigla na lang wala na akong tugon at balita na natatanggap sayo. Alam ko naman na nababasa mo pa rin ang mga pangungumusta ko. Yun nga lang kung makatanggap man ako ng kung anuman mula sayo e mga pasa-pasa lang.

Kumusta na nga pala ang mga mata mo? Sobrang tagal na nga pala mula nung ibahagi mo sa akin ang resulta ng huling check-up mo. Matagumpay na ba ang pagkontrol mo sa pagkain? Alam ko naman na nasa mabuti kang kalagayan at sigurado naman ako na maraming mga nagmamalasakit sayo. Yun nga lang hindi ko na yun magawa sayo. Pakiramdam ko kasi, hindi ka na kumportable na ginagawa ko sayo yun. Hindi ko na ipipilit.

Sa puntong ito, ramdam ko na yung haliging naglalayo sa atin. Samantalang noon na kahit na sobrang layo natin sa isa’t-isa e parang nandyan ka lang at katabi kita. Ano na nga ba ang nangyari? Di ko pa rin mahanap ang sagot. Ngayon na malayo pa rin tayo sa isat-isa, hindi na kita maramdaman na nasa tabi ko lang. Gaya ng mga pangako noon na kahit na anuman ang mangyari, nandyan lang palagi.

Balang araw siguro e magkikita pa tayo ulit. Hindi nga lang natin masabi kung kelan pero kapag sumapit yun, sigurado magiging malalim ang lilok ng mga ngiti sa labi ko.

Haaay, siguro namimiss lang kita. Pero hayaan mo lilipas din to. Maaaring lilipas nga ang pagkamiss ko sayo pero hindi ang pagiging bahagi mo kung ano ako. Hanggang sa magunaw ang mundo hindi ka na mabubura dito.

Shmimy!