Happy Birthday!

Parang nung makalawa pa kita binabati nito. Sa kabila ng pagdating ng araw mo e hindi ko mabakas ang tamis sa mga ngiti mo. Ikaw naman kasi kung minsan di ka mawari. Nahuhuli tuloy kita palagi sa pagpapanggap na okay ka lang kahit na hindi. Kahit na pilit itinatago ang lahat sa mga matatabang na ngiti, nangungusap naman ang mga mata sa mga gustong ihayag ng damdamin. Mga emosyong ayaw bigkasin pero pilit naman kumikinang ng malinaw sa akin.

Karakter mo na talaga yan. Di na kita pipilitin. Alam ko naman na pagdating ng araw e maiintindihan mo rin ang gusto kong sabihin. Hindi yun para sa akin dahil mula simula ikaw ang dahilan kung bakit nabuo ang desisyong dapat mong harapin.

Hanggang sa muli. Isang maligayang kaarawan. Kasabay ang isang paghabang paharap para sa panibagong taon na bibilangin.