Happy!

Manny thanks kuya Google sa image :)

Manny thanks kuya Google sa image ­čÖé

Maraming lobo, maraming bisita, maraming pagkain at maraming regalo.

Ganyang mailalarawan yung mga nakaraang kaarawan ko nung kabataan ko pa. Ang sarap balik-balikan yung mga palarong┬ápabitin, basagan ng palayok, pabilisan uminom ng softdrinks at pabilisan kumain ng bubog at blade. Palung-palo din yung larong “bring me”. Sawaan din ang handa mula sa spagheti, pancit, lumpia at sari-saring anyo ng mga kakanin.┬áHindi rin nawawala ang ice cream. Ang uso pa nuon ay yung ice cream na inoorder sa mga sorbetero na nasa lagayan na┬ámalalim na naliligiran ng yelo na may asin. At ang masaya pa dun, ang mga bisitang bata na kahit hindi mo naman kamag-anak o kakilala ay masayang nag-eenjoy sa okasyon mo.

Aba! Bongga! Anyaman pala namin noon! Ahaha!

At habang lumalaki na ako, (Weh? Baka tumataba, Ahaha!) Nag-iiba na rin ang nakagisnang selebrasyon ng kaarawan. Hindi na masyadong pinaglalaanan ng panahon at oras ang handa. Basta merong iilang kaibigan, kapamilya, kakilala, espesyal na panauhin at konting salu-salo, makahulugang selebrasyon na yun. Mas natutuon na kasi ng pansin sa pagbibilang ng edad kapag sumasapit ang kaarawan. Ito yung oras na magmumuni-muni ka at magbabalik-tanaw sa mga nangyari sa iyo sa loob ng mga nakaraan taon. Kinukumusta ang lahat ng bagay-bagay na may kinalaman sa sarili at inuusisa ang mga nagawa na sa buhay. Sa isang banda ay pagninilay din para magawan pa ng paraan at mapag-ukulan pa ng panahon yung mga bagay na gustong marating at pangyarihin sa buhay. O di ba, masyado na nagiging personal.

Hmmm… Indikasyon na ba ito na nagmamatured na ako? Ahaha!

Happy Birthday sa mga nagdiriwang ng kanilang mga kaarawan ngayon!

Masabi ko na rin ha. Hindi ko po birthday ngayon. ^_^

Advertisements

Bukas na liham ng pagbati

Kumusta? Kailan na nga ba yun? Ahmm… hindi ko na maalala. Pero ang hindi ko nakakalimutan ay ang araw na inilabas ka dito sa mundong ibabaw. Actually, last week pa nagpapambuno ang kaisipan at mga daliri ko para buuin ang paskil na ito. Nakakatulugan ko na nga sa gabi ang pag-iisip ng kung ano ang gusto mong regalo. Yearly kasi ay kinakalkal ko ang kakikayan ng iyong sangkatauhan para sa mga gift na ibibigay ko kahit na hindi naman nakakarating sayo. Naipon na nga sila. Yung iba dahil sa sobrang ganda e nagamit ko na. Ahaha!

Ano ba ang pinaglaanan ko ng oras at panahon? Wala eh, wala kang regalo ngayong taon mula sa akin. Opps! huwag magtampo dahil ang naisip ko ay para sa pretty little angel mo. Cencia na ha di ko na kasi alam kung ilang taon na sya kaya sana kapag nakarating(sana) e magkasya. Goodluck sa akin sablay na pagtantya. ­čśÇ Tagal na rin natin di nagkita ano? Malay natin isang araw e maligaw ka sa paskil ng kamalayan ko. O kaya naman e isang araw magkabanggaan tayo ng balikat habang naglalakad sa mall sa may Ortigas.

O paano ba yan? Kahit na wala na tayong ugnayan, saan ka man ngayong araw ng iyong kaarawan, ang wish ko ay matupad ang lahat ng wish ng mga nagwish para sayo. Ahm, naguluhan ka ba? Ako din eh. ­čÖé

Dalawang tulog pa pero uunahan ko na baka kasi mamaya e mapalampas ko pa.

Happy birthday Thinay! Shmimy, hacuna matata!

Happy Birthday!

Parang nung makalawa pa kita binabati nito. Sa kabila ng pagdating ng araw mo e hindi ko mabakas ang tamis sa mga ngiti mo. Ikaw naman kasi kung minsan di ka mawari. Nahuhuli tuloy kita palagi sa pagpapanggap na okay ka lang kahit na hindi. Kahit na pilit itinatago ang lahat sa mga matatabang na ngiti, nangungusap naman ang mga mata sa mga gustong ihayag ng damdamin. Mga emosyong ayaw bigkasin pero pilit naman kumikinang ng malinaw sa akin.

Karakter mo na talaga yan. Di na kita pipilitin. Alam ko naman na pagdating ng araw e maiintindihan mo rin ang gusto kong sabihin. Hindi yun para sa akin dahil mula simula ikaw ang dahilan kung bakit nabuo ang desisyong dapat mong harapin.

Hanggang sa muli. Isang maligayang kaarawan. Kasabay ang isang paghabang paharap para sa panibagong taon na bibilangin.