Ang Cellphone ng Boyfriend/Girlfriend na may Lihim

1. Ang hirap hiramin.

2. Bago mo mahiram, gagamitin daw muna kunwari pero ang totoo e magchecheck kung may message sya na hindi mo dapat mabasa at kung may dialed number na hindi nabura bago nya ibigay sayo.

3. Kapag ginagamit ng iba, babantayan ka.

4. Lagi nakasilent.

5. Laging nakadikit sa kanya yung cellphone nya.

6. Kapag hinawakan o ginamit mo ng hindi mo ipinaalam, pagagalitan ka.

7. Lumalayo kapag may tumatawag.

8. Nagdedelete agad ng received text.

9. Walang laman ang call log at sent items.

10. Higit sa lahat, maraming pangalan sa phonebook na hindi mo naman kilala.

Mga Dapat Tandaan ng Boyfriend/Girlfriend kung may Lihim sa Cellphone

1. Isaulo ang mga number na dapat tandaan.

2. Kapag may text at nireply, huwag kalimutan ang “Clear Text” sa Write message, delete yung original message na nireply sa inbox at i-delete ang sent items agad-agad.

3. Laging magdelete ng dialed number kapag tumawag.

4. Laging magdelete ng received call at missed call.

5. Huwag paranoid kapag nasa girlfriend/boyfriend ang cellphone.

6. Kung may maghuling text sa inbox, sabihing wrong send. Kung may sender’s name naman, sabihin na may nakitext kasi kanina at dyan pa sayo ulit nagreply.

7. Kapag nagpilit na alamin kung sino yun, maggalitgalitan ka na hindi na dapat paglaanan yun ng panahon dahil hindi naman kilala.

8. Gumawa agad ng paraan kapag nahiram ng boyfriend/girlfriend yung cellphone para mabalik agad sayo.

9. Gumawa ng code sa pagtetext para hindi agad mabisto.

10. Higit sa lahat kapag nagkabistuhan na, magpakaattorney sa pangangatwiran at “huwag na huwag aamin!”.