Ang May Akda

Ang salarin sa lahat ng paskil ng Blog na ito ay isang simpleng mamamayang Pilipino. Simpleng anak, simpleng kaibigan, simpleng Ate, simpleng katrabaho, simpleng komentarista, simpleng maldita, simpleng kuripot, simpleng bungisngis at simpleng manunulat kahit na ayaw ng mga isinusulat ko sa akin.

Nagsimula akong magblog dahil na-enjoy ko ang minsang pagbabasa sa kuta ng iba. Nainggit, nakigaya, nagmarunong at hanggang sa ganito na ako humantong.

Sa simpleng kasiyahan ko na makapagpahayag ng sarili, makapagbigay ng opinyon, makapagkumento at kahit na bugso lang ng emosyon, sana ay makapagbigay din ng positibong epekto sa mga makakabasa.\

Kaya kahit na hindi ako madalas sa bahay kong ito, sana ay maging madalas ang pagbisita nyo.

 

Hacuna Matata! ^_^