Ako Si Matanong

Salamat Kuya Google sa background ^_^

Salamat Kuya Google sa background ^_^

Yebah! Tapos na ang tag-ulan dito sa bansa namin. Dalawang araw nang umiiral ang tag-araw at sa wakas ay makakatuyo na ulit ng maayos ng mga sinampay. Nung nakaraang linggo kasi ay nagkaabutan sa sampayan yung dalawang linggong labahin namin dahil sa walang humpay na pag-uulan. Pero sa kabilang bahagi ng mundo ay nakabuti naman para sa mga bukirin na natamnan na ng palay. At sa anihan ay may gugulangan nanaman ang mga negosyanteng mapagsamantala. Ayun lang.

Kahapon ay nagkaroon ako ng malayang oras para maggala at magbabad sa mundo ng kasaputan (world wide web). Oo mga Ate at Kuya, nag-internet ako to the max kahit na nasa work ako. Ahihi! Huwag niyo ako isusumbong ha. Maaga ko kasi natapos yung workload ko kaya kunwaring busy mode na lang ang peg hanggang sa matapos ang oras ng trabaho.

Sa kabilang side ng bangs ko ay nalungkot ako. Dahil yung mga nabisita kong blog site ay kapareho ko na parang alien lang na bumababa sa Earth na nangyayari lang once a year o kung kelan lang nila gusto. Marahil ay may mas inuuna pang mga bagay bagay sa tunay na mundo. Mas kinukunsumo ng reyalidad yung oras kaysa sa magpaskil ng mga opinyon, pananaw at mga kuro-kuro. Meron din naman mga masisipag magpaskil at sila yung mga mayayaman. Mayayaman sa bakanteng oras o kaya naman ay propesyon nila ang pagsusulat sa elektronikong mundo. Kainggit lang kasi dahil sa dalang ko na magsulat, tila napupurol na rin yung likot ng pag-uutak ko para makapagbahagi ng kung anu-anong meron ako.

May matutunan man yung nakabasa o wala. Nakapagbigay man ng ngiti at tuwa. Nakasira man ng araw yung pagbisita sa bahay ko o naging dahilan pa ng pag-aaway nyo ng kasintahan mo, hindi na siguro importante yun. Parang bonus na lang kapag makatanggap ka ng mga positibong komento. At kapulutan ng espasyo para pagbutihin pa kung sakali naman na may komentong negatibo. Dahil ang pinakamasarap na bahagi ay yung maipahayag mo ang sarili sa paraan ng pagtutugma ng mga salitang sa tingin mo ay naaakma sa emosyon at panahon. Malalim o mababaw man ang pakahulugan ng iba, Ohryt! Rock en roll to the world! Woah!

Meron din naman yung mga pagkakataon na ang yaman mo sa oras at gustong-gusto mo magsulat. Pero ayaw ka naman dalawin ng mga mabubuting espirito para bigyan ng malikot na kaisipan para maipahayag ang sarili. Kainis lang ano? Parang pananakop lang ng mga epal sa telebisyon na kahit na saang istasyon at anong oras ay nilalaman sila ng patalastas.

“Kami ang Pabebeng Epal at wala kayong pake kung pa-epal kami sa mga video namin. Kaya huwag kayo mangenge-alam dahil kahit sino man kayo, walang makakapigil sa amin.”

Pero hindi man tama ang mag-isip ng masama sa kapwa, hindi mo maalis yung ideyang baka galing na sa kaban ng bayan yung ginagastos ng mga Pabebeng Epal sa maagang pangangampanya nila. Haaay life, ano na ba itong nangyayari sa mundo?

Kaya sa lahat ng mga manunulat – baguhan man o hindi, propesyonal man o nakikigaya lang, nakahiligan, pinagkakakitaan, pampalipas-oras o kahit na ano pa man ang dahilan ng pagiging manunulat mo. Ipagpatuloy mo lang kahit na mas nauukupa na ng tunay na mundo ang oras mo. Ipagpatuloy mo lang kahit na wala ka ng pera. Ipagpatuloy mo lang kahit na hindi na kayo nag-uusap ng tatlong araw ng boyfriend/girlfriend mo. Ipagpatuloy mo lang kahit na may bagong shih-tzu yung kapitbahay mo. Ipagpatuloy mo lang kahit na ikaw na lang ang nakakaintindi sa mga isinusulat mo. Malay ba namin kung may malalim kang pinaghuhugutan. Dahil higit-kailan man, walang pwedeng maitumbas na saya sa layang maipahayag mo ang iyong sarili ng walang alinlangan at hindi ibinase sa pamantayan ng iba.

5 thoughts on “Ako Si Matanong

  1. Tama Kuya Cheesecake! Na kahit ang karamihan ay hindi formal na magkakakilala at ang pagkakaibigan ay nabuo lang sa elektronikong mundo, ramdam mo na merong connect. ^_^

  2. Hello Diwangtanglaw!

    Nakakamiss din paminsan-minsan ang mag blog. kahit minsan mas marami pang buwan ang hiatus kesa gumawa ng bagong paskil.

    Sabi nga nila once a blogger will always be a blogger. Darating sa point na hindi na importante if may babasa o wala sa mga isinulat ang importante may nailalabas mo ang mga letra na gumugulo sa utak mo.

  3. Tomoo Sis. Para bang yung nasa puntong sobrang emosyonal ka at ang blog mo lang ang tanging napagsasabihan mo ng kadramahan mo sa buhay. Basta ang importante ay mahalaga. Meron man o walang makakabasa.

    Uuy! Happy birthday na! ^_^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s