Nasaan Na Nga Ba?

Kagaya pa rin ng mga nakaraang araw, maalinsangan mula sa umaga hanggang 2:55 ng hapon. Sira pa rin kasi ang panahon kaya matapos ang oras na nabanggit, aambon na hanggang sa tuloy-tuloy na ang pagseselfie ng kalangitan (kidlat dito, kidlat dun). At pagkatapos ng humigit-kumulang tatlumpong minuto, tatangis na ang kaulapan. Ay hindi pala, hahagulgol na. Kasi bigla ang buhos ng ulan na malakas tapos titigil din bigla. Parang nagtitrip lang ano? Sana lang ay ibuhos nya ng sapat ang ulan sa mga bukirin na kailangan ng taniman. Mahirap na kasi kapag naantala ang pagtatanim ng palay. Siguradong ang mga importer nanaman ang makikinabang ng malaki at lugi nanaman ang mga kababayan nating magsasaka. Ma-selfie din sana ni Inang Kalikasan kayong mga mapagsamantalang negosyante:).

Isama mo na rin yung mga kandidatong hindi daw nangangampanya ng ganito kaaga. Utot nyo! Mga nuknukan kayo ng kunat. Hindi na kasi tinatalaban ng hiya at delikadesa. Kayo ang dahilan kung bakit hindi ko na masyadong naeenjoy manuod ng tv dahil puro epal na lang ang ipinapalabas. Meron po kasing itinakdang campaign period para dun nyo ipangalandakan ang mga gusto nyong gawin sa buhay-pulitikal nyo. Pero kung sabagay, kahit naman sino ang maluklok, ganun at ganun pa rin ang kalalabasan. Ah may konti palang kaibahan, mga ganino. May mas kurakot, may mas tuso. Hanggang hindi kasi nababago ang bulok na sistema, iisa lang ang magiging himig ng pulitika. Yan ang kantang naeenjoy lang ng iilan at nayayamot ang karamihan.

Kaya kung gusto mo ng pagbabago. Yun bang maunlad na ekonomiya na ramdam ng kahit na sinong Juan. Yung hindi kailangan manlimos ng mga bata para lang may makain dahil wasto ang mga programa ng gobyerno para sa mga maralitang Pilipino. Lahat ng nasa hustong edad ay may marangal na trabaho at tamang benepisyo. Wala ng magbebenta ng katawan at wala ng anak na iiwan na lang sa kung saan dahil hindi mapalaki ng maayos at maalagaan. Gusto mo ba ng walang krimen at karahasan dahil maayos ang bawat pamilya sa kumunidad. Gusto mo ba ng pilipinas na maaliwalas? Walang ganun.

Basta ako, simple lang ang gusto ko. Gusto ko lang maibalik na yung dati. Nakakamiss na kasi. ^_^

5 thoughts on “Nasaan Na Nga Ba?

  1. Naalala ko yung kanta nung mga Fliptop rappers…🙂
    ‘Kay sarap balikan tamis na nagdaan… Nakakamiss lang kasi…’

  2. Narinig ko na nga rin yan Sis kaya lang hindi ko kilala yung mga kumanta.🙂

    Salamat sa pagbisita at maulang hapon sa’yo. ^_^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s