Feb-ibig!

Dalawang tulog na lang at birthday na naman ni Ate Heart at Ate Kris. Yun nga lang sorry ha at hindi ako makakapunta. Marami kasi akong pagkakaabalahan sa Sabado kaya okupado ang kagandahan ko. ^_^

At dahil busy din ako ngayon sa pag-iinternet, napadpad ako sa mga elektronikong pahina na may kinalaman sa pag-ibig. Hindi sa akin ang mga mababasa nyo sa ibaba kaya ipinagpapasalamat ko ang panghihiram ko ng walang paalam sa mga orihinal na may ari o lumikha nito.  Hmmmuah! Iloveu!🙂

– – – – – – = = ♥ = =  – – – – – –

Ang PAG-IBIG ko sa’yo ay parang TAHO, kahit hirap na hirap na ko sa sobrang bigat, IPAGSISIGAWAN KO PA RIN SA LAHAT.

– – – – – – = = ♥ = =  – – – – – –

Huwag kang hihingi ng paliwanag kung wala kang balak maniwala at lalong wag kang magmahal kung wala kang balak magtiwala.

– – – – – – = = ♥ = =  – – – – – –

Hindi ginawa ang “break up” para masaktan at lumuha,
Ginawa ito para ilayo ka sa maling tao na akala mo tama.

– – – – – – = = ♥ = =  – – – – – –

Paano ko matutupad ang mga salitang “DI KITA IIWAN”
kung ipinadadama mo na sakin ang salitang “DI NA KITA KAILANGAN”.

– – – – – – = = ♥ = =  – – – – – –

Ang babaeng hindi marunong magluto ay dapat maghanap ng lalaking hindi marunong kumain.

– – – – – – = = ♥ = =  – – – – – –

Ang SORRY ay para sa mga bagay na hindi sinasadya,
at hindi sa mga bagay na paulit-ulit na ginagawa.

– – – – – – = = ♥ = =  – – – – – –

Minsan, ang isang taong hindi pumapasok sa isang relasyon ay kuntento sa isang tahimik na inspirasyon.

– – – – – – = = ♥ = =  – – – – – –

Pinakamasarap? Yung hindi sinasabi pero nararamdaman.
Yung walang sumpaan pero alam mong walang iwanan.

– – – – – – = = ♥ = =  – – – – – –

Bago ko bitwan ang salitang AYOKO NA,
Matagal kong pinanghawakan ang salitang KAYA KO PA!

– – – – – – = = ♥ = =  – – – – – –

Dun ka sa taong kahit madalas siyang nahihirapan na pakisamahan ka,
hindi pa rin bumibitaw dahil mahal ka niya.

– – – – – – = = ♥ = =  – – – – – –

Hindi naman nakakapagod magmahal. Ang nakakapagod e yung PAULIT-ULIT na UMINTIDI at UMUNAWA..

.

.

Sa kasalanang paulit-ulit ginagawa.

– – – – – – = = ♥ = =  – – – – – –

May taong lagi kang sinasaktan ngunit hindi mo maiwan.
Dahil para sa’yo, okay lang masaktan basta siya ang dahilan.

– – – – – – = = ♥ = =  – – – – – –

Hindi mo makikita ang taong magmamahal sa’yo ng totoo kung nakakulong ka sa mga salitang, “Baka masaktan na naman ako”.

– – – – – – = = ♥ = =  – – – – – –

Ang tamang bagay saka tamang panahon wala na ring saysay kapag wala na yung tamang tao. Ang tao, pwedeng mag adjust, pero ang bagay at panahon, Hindi.

– – – – – – = = ♥ = =  – – – – – –

Ang paghihintay ay senyales ng tunay na pagmamahal at pagtitiwala.
Kasi kahit sino, kayang sabihing MAHAL KA pero hindi lahat kayang HINTAYIN KA.

– – – – – – = = ♥ = =  – – – – – –

Ang love parang sugal. Minsan talo, minsan panalo, minsan tiba-tiba, minsan bawi lang. Pero alam mo kung ano masakit? Ang makita mong panalo ka na sana, pero hindi ka tumaya.

– – – – – – = = ♥ = =  – – – – – –

Minsan mas mabuti nang hindi malinaw ang tunay na namamagitan sa inyong dalawa. Baka kasi kapag nilinaw mo pa, malalaman mong malabo pala talaga.

– – – – – – = = ♥ = =  – – – – – –

Huwag mong gawin ang mga bagay na sa tingin mo magseselos pa ako.
Kasi baka maiyak ka lang kapag nalaman mong hindi na ako apektado.

– – – – – – = = ♥ = =  – – – – – –

Hindi man natin mabuo ANG ISANG LINGGO NA WALANG AWAY.
Sana mabuo natin ang HABANG BUHAY NA HINDI NAGHIHIWALAY.

– – – – – – = = ♥ = =  – – – – – –

Many thanks kuya Google sa imahe.

Many thanks kuya Google sa imahe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s