Ang Liwanag ng Araw sa Ulap-ulan

Mumunting sisidlan na hindi kapansin-pansin.
Payak at mistulang niluma na ng malamig na hangin.
Kinalinga, binuksan at sinubukang usisain.
Para ang mga basag na bahagi ay muling pagdidikitin.

Ang paghahanap sa mga nawawalang piraso ay napakailap.
Kahit na maliwanag ang himpapawid at alapaap.
Matiyagang galugarin ang nakaraan at hinaharap.
Para ang damdaming pagal ay muling magalak.

Ikalat ang pang-unawa sa sitwasyong madilim.
Kahit ang mga kundisyon ay hindi na maatim.
Ang mga tanikalang binuo sa pagkaganid at pagkasakim.
Sa dulo ay may punyal na nakatarak ng malalim.

Ipagpatuloy ang pagbuhos ng inosenteng paniniwala.
Dahil hindi matutuyo sa pagtulo ang pulang luha.
Paano patitilain ang pagmamahal na dakila.
Kung ang kapalit naman ay pagkaubos ng mga tala.

Sa apat na pundasyon ay meron pa bang titibag?
Sapat na ang isang liwanag upang hindi ito matinag.
Bagtasin man ang kahabaan ng salamin na basag.
Patuloy na susuong kahit sa pamantayan ay labag.

Sa masalimuot na kalakaran ay hayaang mong dumungaw.
Para ang nasa dako pa roon ay malayang matanaw.
Kahit na ang kapaligiran ay maging mapusyaw.
Hinding-hindi babalik kahit na mawala at maligaw.

Sa paglipas ng mga taon, ang lahat ng piraso at matitipon.
Mapagsasama-sama sa payak at mumunting lumang kahon.
Bubukludin ng paniniwala ang pasakit na nilikom.
Para sa kanan ay mamalagi sa panghabang panahon.

5 thoughts on “Ang Liwanag ng Araw sa Ulap-ulan

  1. San? kmusta na po? happy new year …. anong ibig mong sabihin sa “Ipagpatuloy ang pagbuhos ng inosenteng paniniwala.
    Dahil hindi matutuyo sa pagtulo ang pulang luha.” di ko ma gets San?

  2. Kaya mo yan Sis Ren. Basta huwag mo na uulitin na makakatulugan yung translation ha. ^_^

    Keep safe always🙂

  3. Magandang buhay kuya Kiko,
    Baka napagkamalam mo po akong si Ate San. Si Diwa po ito ^_^. Mas pipiliin ko po na nakapaloob sa mga salita yung tunay na kahulugan para mas hayahay ang buhay.

    Masayang araw sa’yo.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s