Happy 2015!

year2015

Yebah! Konti na lang at Year of the Sheep na. Siyam na oras at dalawang minuto na lang at magpapalit na ng posisyon ang Earth at Jupiter. Mamumuhay na tayo sa panahong hindi na dapat paniwalaan ang Forever More dahil pagkatapos nun ay Two Wives. Kaya ang mga magboyfriend/girlfriend at mag-asawa ay dapat na uminom palagi ng Lactum para kahit na anung mangyari ay 100% panatag.

Teka! teka! Taon lang pala ang magpapalit. ^_^

Kanina pa kasi ako walang ginagawa kundi magpapak ng pritong manok. Ciempre ako kasi ang naluluto. O di ba at nasasabay ko pa magpaskil dito sa bahay ko. Kasalukuyan din kasing busy ang buong sambayanan sa pag-aasikaso ng pagkain at ng kung anu-anong pagkakaabalahan para sa pagsalubong sa Bagong Taon kaya wish ko lang na sana ang lahat ng hapag-kainan ngayong gabi ay may pagkaing mapagsasaluhan. Hindi man magarbo o marami basta magkakasama ang pamilya na kakain at magkukulitan.

Maaga ko din natapos gawin ang salad ko (macaroni ngayon) na taun-taon ay maagang nauubos dahil masarap at walang kasing sarap! Hep! Walang kokontra dahil bawal ang negative vibes sa pagsalubong ng bagong taon🙂. Tapos sinusubukan ko din kanina ang magbalik-tanaw sa mga nangyari sa akin itong kabuuan ng 2014. Ayun lang, tinamad ako mag-isip ng kung anu-ano kaya ipagpapasalamat ko na lang kay Papa Lord ang ang lahat ng nangyari sa akin.

At ang pinakacommon na goal sa January ay – “magda-diet na ako”. Weh? Sa una lang naman palagi yan. Mas masarap pa rin talaga ang kumain ng walang pag-aalinlangan basta hindi sobra para walang maging problema sa kalusugan.

Ay! Meron pa palang isa – “mag-eexercise na ako”. Ahaha! Katulad din ng nasa itaas, sa umpisa lang din.

Pero sa kabuuan, lahat naman tayo ay nakatanaw sa mas maayos na bagong taon. Kung ano man ang bagay na hindi natin nagawa o natapos ay pwede pa naman ipagpatuloy. Kung hindi mo pa nasasabi ang “i love you” sa mga magulang mo, huwag na mahiya. Kahit ako dumaan din dyan kasi hindi naman ako very vocal pagdating sa ganyan. Pero nung nagawa ko na minsan, ang sarap sa pakiramdam kaya inulit-ulit ko na at kinasanayan.

Para sa mga magbabagong-buhay, hindi na kailangan ng Bagong Taon para yun masimulan. Nasa sarili mo na yun kung kelan mo pangyayarihin. Hindi naman kailangang makakita ka muna ng fireworks para maliwanagan. Ikaw ang responsable sa mga bagay na gusto mong may magandang kahinatnan.

Teka, sunog na yata yung niluluto ko. At nagmamantika na rin ang keyboard ko. ^_^

At nagbalik after 1 minute and 23 seconds… (may bitbit ulit na pritong manok)

Kaya para dun sa mga nakasamaan ko ng loob, nabigyan ko ng hinanakit, hindi ko napacopy ng movies, pinagdamutan ko ng ube keso ice cream, sa mga hindi ko napautang dahil kuripot ako, sa mga napagsalitaan ko ng masasakit dahil binigyan nyo ako ng dahilan para gawin yun – Sorry kung dumating sa puntong napagmalditahan ko kayo. Maiksi man pasensya ko, hindi naman ako nagtatanim ng sama ng loob. Yun nga lang mahirap pa rin ako suyuin. Ahihi!

Sa mga hindi ko nabati nung kaarawan nila, Sa hindi ko napuntahan ang birthday dahil nagpunta ako ng Baguio (ang saklap naman nun, hindi na nga nabati, hindi pa pinuntahan, boom! sigurado ako hindi rin nagbigay ng gift, Ahahaha!), Sa mga binigyan ko ng mga kalokohang payo sapag-ibig at sinunod naman nila, Sa mga pinag-reto ko at nagkatuluyan, Sa mga kaibigan ko sa malalayo na hindi na nakakaalala, Sa mga kaibigan ko din sa elektronikong mundo – hanggang sa muli, sigurado akong marami pang susunod na pagkakataon.

Sa mga pulitikong gahaman pa rin hanggang ngayon, Sa mga patuloy na nagtatapon ng basura sa kalsada, Sa mga nabubuhay sa panggugulang sa iba, Sa mga mapanglait, mapanghusga at mapang-alipusta – mamamatay din kayo.

Sa mga nagmamahal at naniniwala – ipagpatuloy nyo lang.

At sa aking Pamilya at mga mahal sa buhay… Maraming Maraming Salamat sa inyong lahat sa pagiging bahagi nyo sa 2014 ko.

Bukas, simula tayo ulit. Nawa ay maging masaya, makabuluhan, masagana, kapanapanabik, kahindik-hindik at nakakabaliw ang babagtasin nating Taon ng Luntiang Kahoy na Tupa.

Many thanks kuya Google sa background :)

Many thanks kuya Google sa background🙂

 

8 thoughts on “Happy 2015!

  1. Apir Sis Loida! Para sa makabuluhang 2015 natin at ng lahat ng maralita at mamamayang Pilipino.

    Masaganang 2015 para sa lahat!

  2. For sure makikita ko ang handa nyo sa susunod na paskil mo (lalu na yung puto at bibingka). Enjoy the occasion Sis Ren. A blessed 2015 to you and to your Family. ^_^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s