Marunong ka ba?

Hindi kailanman naging basehan ang estado sa buhay, taas ng pinag-aralan, ganda ng karera sa napiling larangan at kahit na ang impluwensya ng love story ng paborito mong tele-nobela para sukatin ang kakayahan at karapatan mong magmahal. Totoo kasing mas higit na mahalaga ang karakter ng tao kumpara sa mga pisikal at panlabas na katangian.

Tandaan mo na kahit na super model ka pa o kinoronahang nagwagi sa langangan ng pagandahan, pagdating sa pag-ibig ay sigurado akong meron at meron tayong lahat ng kanya-kanyang version ng kashungahan. Kaya sana ay huwag magmamarunong at huwag bigyan ang sarili ng karapatan na kapag may nagkamali ay agad na huhusgahan. Dahil ang lahat ng naging katangahan natin sa buhay ay isa sa pinakaimportante naging guro para ang sarili ay lalu pang mapabuti at malinang.

#bagonggisinglang^_^

2 thoughts on “Marunong ka ba?

  1. Bisyo na ng tao ang pumuna ng kashungahan ng ibang tao. Para sa iba-ibang kadahilanan, maaring para malaman na may mas shunga pa sa kanila in a self-deprecating manner, o para hindi lubusang malungkot sa mga naging resulta ng kashungahan nila, o para lang masabing “hoy-magaling-ako-ikaw-hindi”. Ano pa mang pagsisinungaling nila sa sarili nila, gawa pa rin ito para medyo mas matuwa sila sa sarili nila. Medyo sad, pero talagang flawed ang tao.

  2. Isang paraan siguro bilang pampalubag-loob pero kahit na ganun pa man, dyan at dyan pa rin tayo nagsisimulang matuto.

    Maraming salamat Sis sa pagbisita at pagkumento. Binisita ko ang bahay mo pero may bakod ^_^.

    Masayang araw!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s