Pakurot ha?

Sweet morning!
Yan ang madalas kong bati sa’yo araw-araw. Okay lang naman sa akin kung bumati ka rin pabalik o hindi. Basta ako, naiisip kita palagi bago ko simulan ang umaga ko. Kagaya pa rin nuon. Nakasanayan ko ang kausapin ka muna sa umaga bago ko simulan ang kung anu-anong ritwal ko sa buhay. Kahit na minsan ay ako na ang nakukulitan sa sarili ko dahil halos paulit-ulit na lang din ang sinasabi ko, hindi ko pa rin pinagsasawaan dahil isa yan sa mga paraan ko para mapaglaanan ka ng oras at katunayang lagi kitang iniisip. O di ba, kahit hindi mo aminin sa akin, alam ko na nauumay ka sa pare-parehong takbo ng usapang pangungumusta sa umaga. Hindi pa kasama dyan ang mga walang saysay na pag-uusap hanggang sa umabot na ang gabi.

Pero hindi rin nagtagal ang ganun dahil ang nakagawian ko ay bigla na lang nag-iba. Bigla na lang kasi wala ka na. Pinaglalayo na tayo ngayon ng tubig at milya-milyang distansya. Ang dating malalambing na usap ay napalitan na ng mga elektronikong letra. Nakakapag-usap pa rin naman tayo pero hindi na kagaya ng dati na nasusubukan kong maubusan ng baterya sa telepono para lang matigil tayo. Bawat segundo at minuto na kasi ngayon ay binibilang na para sa katumbas na halaga. Hindi na ganun kadali ang maabot ka para makumusta. Pero sa kabila ng ganung sitwasyon, regular pa rin kitang inaabot sa pamamagitan ng elektronikong liham bawat umaga. Sweet morning nga di ba? At ganun pa rin naman sa pagtatapos ng araw ko. Ikaw at ikaw pa rin ang huling tao na nasa isip ko bago ko asikasuhin ang aso’t pusa at mga halaman ko. Sobra na tuloy kitang namimiss habang ang panahon ay marahang tumatakbo.

Ilang buwan pa lang ang lumilipas at patuloy pa rin ang pangungulila ko sa’yo. Sabi nga ng iba ay makakasanayan ko rin. Ang sabi ko naman ay ayaw ko makasanayan dahil hindi tini-take for granted ang mga bagay, paniniwala at ang taong pinahahalagahan. Kaya habang may pagkakataon ay patuloy kong ipapadama at ipapaalam ang aking pag-aalala, pagmamahal at pagpapahalaga. Maiksi lang kasi ang buhay kaya ayaw ko masayang ang pagkakataon. Dahil sa huli ay siguradong panghihinayangan mo ang mga bagay, panahon at pagkakataon na hinding-hindi na pwedeng maibalik pa.

Pero nakakalungkot lang kasi isipin na sa iksi ng panahon ay nakita ko na agad ang pagbabago mo. Dala ba yan ng lungkot mo? Dahil ba yan sa pangungulila mo? At ayoko rin naman isipin na dahil nasa malayo ka na ay ramdam mo na ang laya mo. Nakakapagod na rin kasi para sa akin ang magtanong ng magtanong. Kahit na pinanghahawakan ko ang mga sinabi at ipinangako mo na magiging bukas sa atin ang lahat ng mangyayari sa akin at sa’yo, hindi mo maalis sa akin ang makaramdam ng pangamba dahil sa mga nangyayari na ngayon at sa mga ipinapakita mo. Baka kasi effort lang ang kulang, hindi ang oras.

Sa puntong ito, napaka-aga pa siguro para sabihin ko kung ano ang wakas sa kwentong ito. Marami pa kasi ang pwedeng mangyari. Marami pang emosyon ang mararamdaman at marami pang pagkakataon ang magagawan ng paraan. Pero alam ko na darating ang araw, sasabihin ko sa’yo na naabot ko na ang limitasyon para sa mga kaya ko ibigay. Hindi naman mawawala at mababago kung naging ano ka sa akin dahil naging bahagi na kita. Patuloy pa rin ang pagmamahal at pagpapahalaga. Yun nga lang siguro ay nasa ibang anyo at paraan na. Mula simula naman ay hindi ko ipinagdamot sa’yo ang karapatan mong magdesisyon para sa sarili mong kaligayahan. Di ba nga, lagi ko sinasabi sa’yo na lahat tayo ay may karapatang sumaya.

Maaaring iyon siguro ang dahil kung bakit tayo pinagtagpo sa kumplikadong paraan. Ang maging gabay mo at kasabay sa panahong kailangan mo ng kaagapay. Sa nakikita ko ngayon, hindi na rin masama yung mga bagay na naibahagi ko sa’yo para magkaroon ka ng direksyon at pagpapahalaga. Maaaring sa ngayon ay kulang pa, pero kawangis lang yan ng mga halaman at puno na kailangan mo alagaan para yumabong, magkabulaklak at magkabunga. Yun nga lang, hindi lahat ay kaya ko ituro na parang nagsusubo ka ng bata para makakain. Alam ko, sa darating na panahon ay matututunan mo rin yun lahat. Hindi ko nga lang masabi kung sa madali o mahirap na paraan. Hindi naman kasi kailan man naging patas ang mundo kaya huwag ka umasa na magiging madali ang lahat ha. Alam ko naman na kakayanin mo ang lahat ng yan kahit wala na ako sa tabi mo. Isa lang naman ang lagi ko sinasabi sa’syo di ba? Kahit na ano pa man ang pinagdadaanan, dapat laging positibo para hindi mapag-iwanan. Sana lang, huwag ka magtatampo o magkakaroon ng sama ng loob sa akin. Dahil alam mo naman na mula simula, yung para sa’yo lagi ang inuuna ko. May mga bagay lang talaga minsan na kahit na ipilit natin ay hindi lang talaga pangyayarihin.

Sana lang kapag nandun na tayo sa puntong iyon, hindi mo pa rin makakalimutan yung mga lagi kong ibinibilin ko sa’yo. Lagi mag-iingat at huwag papabayaan ang sarili lalu na ang health. Huwag mag-i-skip ng meal ha. Lagi isipin ang safety at huwag na huwag na gagawa ng mga bagay na pwede kang malagay sa alanganin. At higit sa lahat, huwag na huwag mo kakalimutan yung sumbungan at kakampi mo na nandyan lang nakatanaw palagi mula sa itaas.

Haaay… life. Pero malay natin isang araw, dito lang naman lagi si Diwangtanglaw.

Ganyan talaga ang buhay. Kailangan mo ba ng kasabay?

Hacuna Matata!

10 thoughts on “Pakurot ha?

  1. I got the gist of your post, and I’d like to comment based on what I had understood from your post.

    I think you have to get ready for a major heartbreak. Unless he is your husband, there’s a 99 % probability he wants out. Men are like that. Distance and absence will not make their hearts grow fonder.

    Use your intuition and gut feeling. 9 out of 10, it is correct in cases like these.

    Douchebaggery .

  2. Happy morning Sis,
    Many thanks for sparing some time to read. Yap, women intuition never fails. Tested already for many times. ^_^

    But this is not a major heartbreak. Just letting someone go even though he’s not become yours from the start.

  3. Well i guest that is how life take its toll on me. In this kind of situation, the only path that we need to take is to move forward.

    Many thanks Ren. Eat tayo, garlic bread and hot choco. ^_^

  4. isang umagang maulan sayo diwangtanglaw,,,,
    want to share something weird…this morning pag pasok ko sa office, may kung anong magnet
    ang humihila sa kamay ko pra buksan ang website na ito. eventhough madami akong dpat unahin,
    di ko n lng namalyan na open ko n itong blog na ito. and then i found out that you have a post “PAKUROT Ha?” and i red it

    something weird….is it true?? that eventhough how far the two people to each other…there is
    something might probably na magkokonek sa inyo na wont expect.

    quote from the movie i watch …”hindi man sa ngayong panahon na ito,,,,malay mo sa kbilang mundo :)”

  5. Many thanks Reinald sa pagdaan. Salamat din sa inilaang oras sa pagbabasa ha.

    Happy morning sa’yo!

  6. Weird nga at madalas din mangyari sa akin yan. Parang bigla na lang e nandun ka na agad sa isang sitwasyon ng di mo namamalayan.

    Ang reason, sobrang kaiisip. ^_^ Ahaha!

    Yap, naniniwala ako sa invisible na tali na nag-uugnay. Na kahit nasaan ka pa, basta nakabuhol ang magkabilang dulo, always connected kayo. Kaya sana huwag kakalagin ha.

    Hmmm… John Lloyd and Sarah G movie ba yan? ^_^

  7. HELLO.. i always follow your posts.. kahit di ako nagcocoment.. damang-dama ko ang gusto mong iparating..swak na swak yung mga words at description mo sa mga bagay-bagay..

    .. don’t u worry.. you’ll get used to it.. that’s life..

  8. Many thanks Joy ha. May pinaghuhugutan lang ang paskil na ito kaya medyo personal. Paminsan-minsan lang talaga e dumadaan tayo sa ganyan at part lang yan ng pagdadalaga.

    Maulan na umaga sa’yo! ^_^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s