Pitumpu’t-pitong Puting Tupa

Minsan talaga hindi maiwasan ang magising sa maling umaga. Yun bang makulimlim ang langit at mistulang kulay abo ang lahat ng nasa paligid. Matabang ang emosyon at wari’y nakagapos ang buong katawan sa higaan dahil sa hirap bumangon. Sa maikling sabi, wala ka sa mood. Ang hirap kaya simulan ang araw kapag ganyan. Na kahit kaunting bagay lang na hindi mo magustuhan ay ang mapapalabas na ang pagkamaldita mo.

Ayaw mo ng may kausap, ayaw mo ng maingay, ayaw mo ng maraming tao at ayaw mo ng mga bagay-bagay na maaaring makairita. Baka naman buntis lang. Ang daming ayaw. Ahaha! Pero sino ba naman ang may gusto na buong maghapon ka ganyan. Nakakatanda kaya ang ganyan at nakakadagdag pa ang guhit sa noo. Ewan ko lang kung totoo din na nakaka-dry ng buhok. Buhok saan? Sa ilong! Ahaha! Kaya para hindi ka tuluyang masapian ng masamang espirito, eto ang ilan sa mga bagay-bagay na pwede mong subukan base sa aking mga nakagawian para mabalik ang magandang simula ng umaga.

> Magpatugtog ng mga alternative rock na musika. Hindi naman kailangan na masyadong malakas pero yung sapat lang na mapapasabay ka sa bagsakan. Pakiwari ko kasi kapag ganyan ang tugtog na pinakikinggan ko ay nagsisialisan ang mga masasamang elemento sa paligid. Maliban sa pag-aalaga at pagdidilig ng halaman, isa din yan sa paraan ko ng pantanggal ng stress. Pagkatapos lang ng kinse hanggang tatlumpong minutong pakikinig, maayos na ulit ang katawang-lupa ko.

> Kumain ng cake. Lalu na kapag ice cream cake at chocolate cake. Parang dumaan sa 16 stages na purification ang kaluluwa ko. Pramis nakakagaan. Pwede rin na alternatibo ang tsokolate pero mas gusto ko kasi ang cake.

> Makipagkulitan sa mga alagang aso at pusa. Ewan ko ba pero totoong may kakaibang epekto ang alagang aso sa pagganda ng pakiramdam. Meron pa nga akong napanuod na pelikula na may ganyang tema habang nasa byahe ako. Na dahil sa alagang aso ay gumaling yung isang matanda na nasa malubhang karamdaman. Matagal na kasi kaya hindi ko na rin matandaan yung titulo. Baka maalala nyo, pakisabi ha. Nasubukan mo na ba yung nasa kalagitnaan ka ng pag-iinarte mo sa buhay at naka-upo lang sa isang tabi tapos biglang lalapit at tatabi sa’yo yung alaga mong aso tapos maya-maya lang e nakangiti ka na? Ako madalas, ehehe! Ibig ba sabihin madalas ako mag-inarte? Ahaha! Hindi naman, madalas ako pinapangiti ng mga alaga ko. ^_^

> Magbabad sa paliligo. Isa itong teknik na maaksaya sa tubig pero panalo. Ang maligo ng sampu hanggang bente minutos ay sapat na pero kapag halos isang oras na o higit pa, luho na ito mga ate at kuya!

Yan ang ilan sa mga ritwal ko sa buhay para mapanumbalik ang magandang aura at mood. May hangganan din naman kasi ang kaemohan kaya huwag na huwag umasta na parang habangbuhay ka nang walang pag-asa at malungkot. Bawat isa sa atin ay may nakalaan na problema, depende na nga lang kung gaano kabigat. Pero tandaan na ibinibigay tayo ng mga pagsubok ng nasa Itaas para magmuni at magsuri ng sarili. Hindi yung puro candycrush na lang at inaasikaso. Hindi yung puro lablayp na lang na kasing-gulo ng bangs ang lagi inaayos. At hindi ang mga himutok sa buhay ang pinaprayoridad.

Napakaraming dahilan para mabuhay ng nakangiti at puno ng pag-asa. Hindi ka tatatag kapag walang pagsubok na daraanan. Tibayan lang ang loob at panghawakan ang mga bagay na pinaniniwalaan. Gamitin ang puso para protektahan ang sarili at ang mga taong pinapahalagahan. Hindi naman nauubos ang bukas kaya huwag bibitaw. Hindi lahat ng pagkakataon ay masukal ang daan at higit sa lahat, lagi mo tatandaan may kakampi ka palagi sa itaas.

7 thoughts on “Pitumpu’t-pitong Puting Tupa

  1. hello Diwatang Tanglaw, na miss kita. wow parang dalawa o tatlong taon na ang nakakaraan. at salamat sa mga ideya na binigay mo, at least ngayon meron na akong magagawa kung pag-gising ko sa umaga eh sa maling banda ng higaan ako nagising.

  2. Many thanks Jongskie sa muling pagbisita. Taon na ba ang inabot? Talagang nakakamiss na nga. Maligayang pagbabalik sa elektronikong mundo.

    Mapagpalayang dapit-hapon sa’yo!

    Diwangtanglaw po. ^_^

  3. 3 out 4 tips ay ginagawa ko. ang hindi lang ay yung magbabad sa paliligo hehe… pinaka-effective para sakin yung pakikipaglaro sa alagang aso at pagkain ng ice cream + fries. ultimate comfort food!

  4. Isawsaw ang fries sa ice cream habang nanunuod ng tv? Panalong panalo!

    Many thanks Odee sa pagbisita. Maulan na umaga sa’yo! Pero kahit na maulan, happy ako! Miss ko kumot at unan ko ^_^.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s