Kampanyang Wagas

Makabayan, makatao, may paninindigan at maprinsipyo.
May isang salita at madaling lapitan ng mga tao.
Uunahin palagi ang maralitang Pilipino.
Bayan muna bago ang sarili, sana nga ay totoo.

Madaling lapitan at kasangga ng mga inaapi.
At sa pagtulong sa kapwa ay hindi nag-aatubili.
Sa ilang kilong bigas at sardinas na ibinahagi.
Buong pagkatao mo na pala ang katumbas na binili.

Mura at sapat na pagkain ang laging ibinibida.
Pero bakit meron pa ring nagugutom na magsasaka.
Ang mga kumakalam na tiyan daw ngayon ay kakaunti na.
Kasi karamihan sa kanila ay nangamatay na.

Matapat sa serbisyo at may takot sa Itaas.
Pero bakit ang lagayan ay hindi nalulutas.
Kung sino pa ang pinuno na dapat lumunas.
Ay siya palang pasimuno ng mga sistemang madulas.

Walang kinikilingan at walang sinisino.
Sa pagtupad ng tungkulin bilang magiting na pinuno.
Kahit nga ang mga walang kasalanan ay naituturo.
At nagdudusa ng di dapat kapag sa selda na nagtungo.

Manunungkulan daw ng buong puso at buong dangal.
At sa pangangampanya at tila walang pagal.
Magkano na kaya ang gastos ng mga hangal.
Ilang buwan lang naman yan babawiin kapag sa pwesto ay nahalal.

Kaysarap naman pakinggan ng magagandang katangian.
Ang poster, flyers at tarpaulin ay ganyan din ang laman.
Kung totoong ganyan nga ang kanilang kaibuturan.
Pwede na natin ilarawan ang salitang katiwasayan.

4 thoughts on “Kampanyang Wagas

  1. hard to understand but I get the gist. Corruption in government, right?

    Corruption was the only reason why my parents packed up and left the country.

    Although politics here in the US is as dirty as anywhere in the world…. the difference between the US and the Philippines is , in the US, it’s power , while in the Philippines, it’s how much money politicians can get from their position. Both are anti-people.

  2. Many thanks Ren. Actually, I’ts all about the good characteristics they mention during campaign period.

    The pampapogi and pampaganda effects…

    Yap, and the bottomline is, the people are always suffering from this self-centered interest.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s