Pangtantos

Mapagpalayang araw sa inyo mga Netizens! Grabe na talaga ang init ng panahon ngayon ano? Kulang na kulang ang kinseng baso ng tubig para pawiin ang uhaw ng aking maalindog na katawan. Ahihi! Epekto lang po ng sarap ng halo-halo sa chowking. Pamawi ng init kahit papaano. Gaya nga ng sabi ni Mamaru, baka isang araw e makita mo na si Taning dyan sa kanto na palakad-lakad at naghahanap ng ice water. Ahahaha!

Nga pala, batid mo na ba ang isang umagang parating? Ang umagang pinaghahandaan ng mga buwaya at ulupong ay este mga ganid at gahaman na nagkatawang lupa at nakikisalamuha sa atin. Ey diwa ang pait! Ehehe! hindi naman po nilalahat pero karamihan eh. Puro balat-kayo kasi.

Isang kilalang poging pulitiko na nakasakay sa truck na may malalaking speaker sa likod. Tama yung nabasa mo, pogi naman kasi talaga. Hihihi. Malakas ang tugstugan. Pakaway-kaway sa lahat ng nasa tabi ng kalsada. Kasunod ang iba pang sasakyan na may mga posters at tarpaulin. Mapapadaan sa pila ng mga traysikel drayber at kakaway.

Driver1: Oist pare! Pare! (sabay kakaway sa poging politiko)
Poging Politiko: Hi! Kumusta kayo dyan? (Sabay kaway din at tapon ng ilang piraso ng sunvisor)
Driver1: Uy salamat pare! (sabay sasalo sa ihinagis ng pulitiko)
Poging Politiko: Huwag nyo kalimutan, number ** sa halalan ha.
(sinadyang itago ang numero para safe)
(At makakalampas na ang sasakyan ng politiko)
Driver2: Magkakilala kayo nun?
Driver3: Kung magbatian kayo parang magkapitbahay lang ah!
Driver1: Oo pare. Close kami nun eh. Ehehe!

Pagkatapos ko yun masaksihan, napailing lang ako at nangisi. Ang amu-amo kasi ng mga yan kapag may kailangan lang. Kaya siguro hindi ko mapabulaklak yung orchid na nabili ko dahil sa mga ganyan. Ang tagal tagal na yun puro bagong dahon lang ang nagsisi-usbong. O baka kailangan lang kasi na iwaglit na muna ang mga pansariling hangarin para sa katuparan ng iisang kagustuhan natin. May mabibilhan pa kaya ng pagkakaisa para ang nais nating mangyari ay marating? Kung oo ang sagot baka pwedeng pakituro kung saan kasi kung ano man ang kahihinatnat ng umagang parating, sama-sama pa rin natin yun aanihin.

Maraming beses na rin napatunayan na nakasanayan na natin ang pagsisiraan. May mas gagasgas pa ba sa mga katagang “ito ay para sa pagbabago”? Pero ito na rin siguro ang panahon para bumawi. Kaya ikaw, kayo, sila na matagal nang walang pakialam, kayo pa itong mga malalakas magkumento at magreklamo pero sinasayang nyo naman ang puntos na pwede nyong ibigay para sa pagbabago. Hindi lang naman kasi ako at ikaw dahil pati sila ay dapat na magpakita ng malasakit sa bayan. Mas masarap sa pakiramdam kung mamamayani ang pagiging isang lahi habang mga matatamis na ngiti ang namumutawi sa ating mga labi. Kasabay ng paghilom ng mga
malalalim na sugat ang pagkakaroon ng pagkakataon para mamulat. Hinding-hindi tayo mabubuo kung walang isang diwa na maghahari.

Pare-pareho lang naman tayo na may kakayahan na gumawa ng kaibahan. Magandang pagkakataon na rin ito para masimulan. Sumama ka sa pagsalubong sa bagong umaga ha dahil tayo-tayo din ang gagawa ng mga lunas. Tatayo tayo sa ating mga sariling paa dala-dala ang ating mga panulat. Sabay-sabay tayong pipili ng mga mamumuno nang nakamulat. Alisin sa isipan ang pagkalito at bagtasin ang daanan kahit na liko-liko. Huwag mabulag sa mga materyal na alok para maligaw, basta hanapin lang ang sarili dahil yun lang ikaw – ang gagawa ng desisyon para katiwasayan ay lumitaw.

Haaay! Ewan ko ba? Pakiramdam ko mas naging kapakipakinabang pa sana ang oras ko kung ginugol ko sa pangungumusta ko sa mga kapamilyang nasa malayo kaysa sa mga pulitikong malapot pa sa maitim na langis ng sasakyan ang mga pag-uutak para lang maka-upo sa pwesto. Kasi kahit gaano ka pa katalino pumili kung wala naman pagpipilian, hindi pa rin nyan mababago ang kahihinatnat ng mga maralitang pilipino at ng sambayanan.

Paunawa: Malayang pahayag at personal na opinyon lang ha. Hindi ito ikinatha para bumatikos sa kung kanino man.

2 thoughts on “Pangtantos

  1. hello… sana, masabi ko ring maalindog ang aking katawan, hihi. paano? e, sa hindi maalindog, shaks na yan. pero, true – sobrang init!

    ganoon nga, ang mga tricycle drivers, madalas na nag-aabang ng sunvisors at iba pang dole out items. at marami rin ang politiko sa local level ang lumalapit sa kanila come election time. haha, napaka-observant mo, kapatid…

    btw, ba’t nga lumalabas ang mga pogi pag election, haha. pag hinahanap sila, wala. pag nag-election, apiran, sus. panay pa ang ngiti, hahaha. yun lang, hanggang pogi lang, hays.😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s