Ang Salad Ko

Nagsisimula nang umingay ang paligid pagkatapos ng pananghalian. Ang lahat ng kutsilyo at itak ay naikiskis na rin sa hasaan. Nagkasundo-sundo ang uling, kahoy at gasul sa iisang dahilan. Ang magliyab para sa okasyon ng sambayanan. Bidang-bida ang carrots kahit saang kusina ka man mapadaan. Isama mo na rin ang repolyo, beans at bellpepper at lumpia wrapper. Spaghetti ba? Sino ba ang makakalimot pero mas gustong-gusto ko pa rin ang prito na manok.

Habang abala ang karamihan ay kasama ako sa iilang nayayamot. Nandito pa kasi ako ngayon sa trabaho habang tumitipa. Para bang sinasadya na pabagalin ang oras para makapagmuni-muni ako sa mga masasayang ala-ala. Naipangako ko pa naman na ako ang gagawa ng salad. Sa halip na macaroni, gatas at fruit cocktail ang kaharap ko, eto at lcd monitor, mouse, keyboard ang hinihimas ko.

Haaay! Tama na nga ito. Magmamall-tour na lang ako para bumilis ang oras na hinihintay ko.

Maligayang Pasko sa inyong lahat at isa lang ang sigurado ako. Sira nanaman ang diet ko. ^_^

diwangtanglaw

7 thoughts on “Ang Salad Ko

  1. Happy New Year sa pinakamagandang diwata at pinakamasipag na dumaan at magcomment sa mga posts ko! *sabog confetti*😀
    First time ko mapadaan dito, at mukhang mapapadalas na ang pagdaan ko dito.🙂
    Happy New Year ulit!🙂

  2. Many thanks Renx for the visit. Yap, it’s been a while. I’ve been busy in some agricultural investment. ^_^ Trying my green thumb luck.

    Keep safe Sis. I enjoy following your Euro travel.

  3. Oo sis. Balak ko sana same date ulit ang pagtipa kaya lang di ko pala kaya. Ahaha!

    I hope na okay ka na. Hmmmuah.

  4. nyahaha! christmas blog ba ito teh? im always okay you knw? hahaha amishyu busy ka ba sa indio at bihira kitang ma sense? hahah

  5. Muntik na Geylii. ^_^. Ahm… pansin ko lang kasi sa google talk not ok yung status mo.

    Kapuso ka pala ah. Hindi ako masyado familiar sa Indio eh maliban sa isang pulitiko ang bidang lalaki.

    Happy morning!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s