Ako Nga Pala Si…

Tubig! Mineral! Yan ang madalas mong maririnig.
Meron din akong samut-sari na sa gutom ay pamatid.
Mainit-init na iingatan upang hindi matabig.
Mga kutkutin at panalubong na sa’yo’y aking ihahatid.

May balut ay may penoy kahit na sa tanghali.
Kahit na anong oras ay may mainit na mani.
Itlog ng pugo ba ang sa’yo’y magpapangiti?
O chicharong may suka ang dadampi sa iyong mga labi.

Taga-mabalacat nga pala ako kung iyong mamarapatin.
Sa gitna ng bayang ito ako ay dapat mong bisitahin.
Dahil ang paglalakbay mo ay walang itulak-kabigin.
Ikagagalak ko ang ikaw ay maging panauhin.

Kahit anong load ay meron na dito sa akin.
Jollibee o donut? ika’y aking pakakainin.
May mga prutas din ako na pwede mong pakyawin.
Pati mga dvd at mp3 ay isama mo na rin.

Humigit kumulang dalawang-daan, bus na aking nakakasalamuha.
Sa isang maghapon magdamag sa pagdating sila’y walang sawa.
Samut-saring mga mukha ang aking nakakadaupa.
Kahit anong estado sa buhay mula matanda hanggang bata.

Kaylangan mo ba ng pahinga o pagtulog ng mahimbing?
Sa malalamig na silid na kulay pula ang dingding.
Kahit anong oras ay pwede mo akong marating.
Basta huwag ka lang maingay at baka may magising.

Dagupan, Baguio o Abra, naku malayo pa!
Habang kasama mo ako isipin ang lahat ng dala-dala.
Maraming oras pa na byahe ang bubunuin mo sa kalsada.
Kaya umihi ka na bago magpatuloy sa paglarga.

Hindi man ako pasyalan o isang pang turistang destinasyon.
Ang pag-aasikaso ko ay sa’yo lagi nakatuon.
Ako’y kaagapay mo kapag sa Norte ka paroroon.
Ako nga pala si Dau, Isang stop-over sa gitnang luzon.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ang tulang nasa itaas ay kalahok sa ikaapat na Saranggola Blog Awards na may temang “Lakbay”

7 thoughts on “Ako Nga Pala Si…

  1. Uy, Dau Terminal! di ko makakalimutan na sa twing bibyahe kami mula Pangasinan pa Maynila ay siguradong may stop over kami sayo. Kitakits sa December! at good luck sa patimpalak! ^_^

  2. Maraming salamat Lea. Isa ka palang Pangasinense? (Pangasinense ba o Pangalatok? Ahihi, nalito lang)

  3. pamilyar nga…gasgas na gasgas na mga gulong ng panorteng mga bus sa Dau e…actually parang panggitna ito kung mula sa Tarlac papuntang Manila…
    Gudlak sa patimpalak.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s