Ang Pagpatak ng Ulan sa Loob ng Bahay

Ay! Ang tagal na rin pala. Akala ko puro color green na ang makikita ko dito dahil sa pagtubo ng kung anu-anong bryophyta. Mabuti na lang at ganun pa rin katulad nung dati. At kumusta naman daw ang matagal na pagkawala sa sirkulasyon? Ayun, parang nababad sa tubig baha ang utak kaya hindi na gumagana para makapagproduce ng makatas na balarila.

Ano na nga ba ang bago? Ang dami nang nagyari. Merong nakapagpalit na ng trabaho at meron na ring nawalan ng trabaho. Nagawaran na rin ng pagkilala yung mga nanalo sa patimpalak sa pagsulat. Meron nang nakamove-on pero bumalik ulit. Parang si Igme lang, nakalayo na e bigla na lang nagmani-obra. Kasi nga daw it’s more fun in the philippines. Meron pa rin naghihinagpis na parang wala nang katapusan ang paghabol sa madulas at mailap na pag-ibig. Meron na rin mga nagsipaalam at hindi na muling babalik. Sadya nga yata talagang ganun, nakikilala lang at napapahalagahan yung mga ginawa at ginagawa mo kapag wala ka na sa mundo. Bigla ako tuloy napaisip kung ano kaya ang kasunod pagkatapos ng aking ending.

Hmmmmmm… Ang sarap talaga ng pakiramdam ng bagong gising! Di ba nga dapat natin ipagpasalamat araw-araw yung paggising natin sa umaga dahil pinapayagan pa tayo ni Papa God na mabuhay pa ng isa pang araw. Kahit na alam ko na mataas ang tsansa na mahuhulog ko nanaman ang sabon sa bowl sa banyo. Eh kasi naman nakaugalian ko na ang magpatong ng paa kapag nagsasabon ng binti at paa kapag naliligo. Hindi na mabilang na dove at safeguard ang pinanghinayangan ko. Yung iba nga ay kalalabas lang ng box tapos konting bula lang e bye bye na. Sigh!

Parang ako lang sa medyo matagal kong pananahimik. Ewan ko ba, parang lutang lang. Sa sobrang dami nga ng iniisip, kahit isa ay wala naman masabi. Madalas na nga akong gising tuwing alas tres ng madaling araw tapos makukuha ulit ang antok sa bandang alas singko. Ang weird noh? Sabi ko nga baka naman may sakit na ako na hindi pa natutuklasan ng siyensya. Bakit ba kasi ang bagal ng gabi? Yun nga lang hindi naman kasi pwedeng madaliin kaya wala kang choice kundi ipagpatuloy ang pananaginip ng gising. Sa isang banda ay nagambala daw yung body clock ko kaya ganun. Ang naaalala ko lang naman na pinag-ugatan ng lahat nito ay nung magising ako minsan ng madaling araw para umihi. At pagkatapos nun sa di malamang dahilan ay nagswitch-on ako ng tv at pinaglibangan ko panuorin ang london olympics. Ayun lang, hanggang ngayon naman na. Haaay! Sura!

O sya! Wala naman na akong masyadong ibahagi. Wala din naman akong opinyon na mabibigay sa mga napapanahong issue. Wala rin akong importanteng sasabihin at wala na rin pala akong pera ngayon. Gusto ko lang mangumusta at sana at nasa lutang na kalagayan din kayo ngayon. Ahaha! Nanghawa pa!

Isang mapagpalayang araw sa inyo!

6 thoughts on “Ang Pagpatak ng Ulan sa Loob ng Bahay

  1. madalis ding mangyari sa akin yan. mahulugan ng sabon sa inodoro… minsan nasasalo ko.. minsan talagang malas… buti ngayon yung paliguan ko ay medyo malayo sa inodoro.. kaya kahit mahulog siya. hindi na siya masyusyut…

  2. Madalas din last week nagigising ako ng ganyang mga oras… Hindi dahil bigla lang…at natatagalan sa oras ng gabi sis, kundi dahil kay seth sa pusa ko…madalas kasi umiiyak sya sa oras na yan, ayon sa sapantaha my multo daw. Well ang layo ko na ng pinas para maniwala dun, ang tamang rason ay dahil gising na ang iba kong pinsan, at naririnig nya sila. PArang bata na gustong lumabas ng kwarto at maglaro…

    Wag mong dalasan ang pagtulog ng matagal ha, sobrang namiss kita….

    NAg alala ako….

    Missyou…

    Ingat ka lagi…

    Sumasadyang dumadaan…

    Hindi na napapadaan lang…

    MWah!

  3. Try mo sis puyatin yung pusa mo para hindi maagang nagigising. Ang sarap kaya katabing matulog ang pusa. Lalu na kapag umuugong na sila na parang makina ng sasakyan tapos sa dibdib mo nakahiga. Isa sa best bonding at quality time.

    Sorry sis sa pag-aalala ha. Yaan mo, natutulog lang naman ako ng matagal kapag day-off. At hindi ko pinapabayaan ang sarili ko kagaya ng laging bilin mo. Payakap nga. Hmmmuah!

  4. “Meron nang nakamove-on pero bumalik ulit. Parang si Igme lang, nakalayo na e bigla na lang nagmani-obra. Kasi nga daw it’s more fun in the philippines. Meron pa rin naghihinagpis na parang wala nang katapusan ang paghabol sa madulas at mailap na pag-ibig. Meron na rin mga nagsipaalam at hindi na muling babalik.” –😉 clever

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s