Bagong Kanta

Sa halina ng malamyong tinig. Sa saliw ng malumanay na musika. Ninilayin mo kung isa ka nga bang nilalang na karapat-dapat na magmamahal. Kahit na hindi ka man makapagbigay ng kahit na anong positibong resulta. Hayaan mo na lang ang puso mo na kumanta ng malaya. Kahit na ilang unos pa ang dumaan. Mapapaisip ka pa rin sa umaga kung karapat-dapat ka nga ba talaga sa pagmamahal. Kahit na hindi mo man matupad ang lahat ng ipinangako, huwag na huwag mong hayaan ang puso mo na tumigil sa pagkanta.

Ano nga ba ang tamang pinto na dapat katukin at buksan? At pagkatapos mabuksan ay saan nga ba tayo tutungo? Kakayanin ba na bumalik mag-isa kapag malayo na ang narating na pagkakamali? Kung sakali mang hindi ay maghihintay na lang ng makakasama. Sino nga ba ang tao na gustong-gusto mo makita ngayon? Tila dumadami na ang bilang ng taong gusto mo maka-usap ng puso sa puso.

Nakakagulumihanan nga talaga ang emosyong nararamdaman. Dahil wala nang pakialam sa kahit sino man. Kahit na ang taong pinipilit tumawa ng buong galak ay tumatangis sa kaibuturan ng kanilang puso. Okay lang naman umiyak ng umiyak kapag takot ka sa gabi. Basta siguraduhing sasalubungin mo ang umaga ng nakangiti. At kahit na gaano ka pa nagumo ngayong araw, ang nalalabing panahon na hindi mo pa nakikita at magiging matiwasay.

Sakluban mo na ng pagdududa ang haring araw para maging maulap ang himpapawid. Kahit na ang liwanag ng buwan ay hindi makakatulong. Lahat naman tayo ay nasugat na ng kasinungalingan sa nakaraaan. Walang sinuman ang pwedeng makapagbasa ng kabuuan ng storya natin. Alam natin na hindi pwedeng obligahin ang pagtatapos ng kwento dahil ang lahat sa atin, habang nananatiling totoo sa sarili ay gustong maging matatag.

Gusto lang naman natin maging malakas… at magpapakatatag.

Habang ang puso natin ay patuloy na kumakanta.

5 thoughts on “Bagong Kanta

  1. “Kakayanin ba na bumalik mag-isa kapag malayo na ang narating na pagkakamali?” Ganda nito. Totoo. May mga ganyan nga tayong takot kung minsan… Ngunit matapos ang mga pag-aalinlangan at takot, o kahit pa, gagaod pa rin, hahakbang at aasa…. Hello sa iyo!😉

  2. Napakaganda ng huling mga salita…

    Tama naman, kahit na anong sakit pa ang nararamdaman natin kailangan natin maging matatag.. Dahil un lang nag pwede natin gawin.. At un ang makakatulong satin…

    Parang my pinaghuhugutan sis ah…

    Kwento mo na yan sakin…

    Salamat sa kanta..

    Kaso di ko mapakinggan sa iphone ko…

    Sino nga pala ang kumanta nun?

    Ingats..

    Lagi mong iisipin nandito lang ako for you…

    Mwahs!

  3. hello, diwangtanglaw… sana ay nasa maigi ka, kapatid… nagagandahan talaga ako sa komposisyon mong ito – sa katapatan ng damdaming inihahayag, sa mensaheng nais ipaabot at sa pili ng mga salita at kung paano sila hinabi para ihatid ang kaibuturan ng taong natatakot pero lagi-lagi ay umaasa.😉 have a good weekend ahead

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s