Basta Para Sa’yo

Ang pinoy ay likas na matiisin. Wheh, di nga? Likas nga ba o wala lang talagang pagpipilian? Hindi naman kasi totoong walang pagpipilian. Di ba nga tayo ang uukit ng bawat letrang masusulat sa notebook ng tadhana. Kaya kahit na ano ang himutok mo sa buhay, hindi mo yun pwede isisi sa mga kapitbahay mong maiingay na madalas nagvivideoke kahit dis-oras na ng gabi. Kahit na ano pa ang opinyon, puna, suhestiyon at sabihin ng iba, tayo at tayo pa rin ang masusunod at magdedesisyon para sa ating mga sarili.

Pero sa totoo lang, maraming mamamayang pilipino na nabubuhay sa mundo ang kinakalimutan ang sariling kaligayahan para lang makapagpasaya ng iba. Oo nga ano? Parang likas na nga yata. Kasi kahit san anggulo mo tingnan, ang sasabihin sa’yo eh “Okay lang”. Sakripisyo ba ang tawag dun o mas mainam na tawaging pagmamahal? Ano nga ba ang kaibahan? Na kapag nagmahal ka e kabigkis na nyan ang sakripisyo? Na kapag nagsasakripisyo ka e pagpapakita yun ng pagmamahal? Haay ano nga ba? Pero para maging simple, kahit na ano pa ang dahilan, ginagawa mo ang mga bagay na yun dahil nakakapagpasaya sa’yo at sa mga taong pinahahalagahan mo.

Kasi nga di ba lahat ng nilalang na nabubuhay sa mundo ay may karaparang sumaya. Oo lahat ng nilalang, mapahayop, insekto, puno at mga halaman. Kaya huwag ka basta-basta pipisak ng langgam na palakad-lakad lang dahil baka sa pagkakataon na yun, e yun ang malayang oras nya para makapamasyal paminsan-minsan. Pero bakit may mga taong ginawa nang dedikasyon sa buhay ang magpasaya? Eniweys, kanya-kanya lang naman rason yan. Maaaring hindi maintindihan at hindi katanggap-tanggap sa iba pero sa sariling pakahulugan at pananaw, sapat na ang salitang “mahalaga” para gawing dahilan.

Kaya sa kalakaran ng hindi patas na mundo, paano nga ba susugal sa mga bagay na hindi sigurado. Kaya nga sugal di ba? Paano kung paniniwala at ang sangkaterbang pangarap lang ang baon mo? Sapat na ba yun para kumbinsihin at patatagin ang sarili sa mga pagkakataong maalon ang tinatahak na reyalidad? Sapat ba yun na batayan para sukatin ang tinatawag na kaligayahan? O hanggang sa pagkumbinsi na lang sa sarili ang magagawa hanggang sa huli?

Sa magkakaibang sitwasyon kasi madalas natin sinasabi na “di bale nang ako, basta huwag lang ikaw o huwag lang kayo”. O kaya naman “Okay lang kahit wala na sa akin basta meron ka o basta meron kayo”. Di ba nasambit mo na rin minsan sa buhay mo na “sana ako na lang ang nagkasakit at huwag na lang ikaw”. At sa marami pang pagkakataon kahit hindi mo pansin e sa ganyang paraan mo ipinapakita ang tinatawag mong pagmamahal at pagpapahalaga.

Ang totoo kasi, mas higit na kasiyahan ang balik sa atin kapag ang mga taong binibigyan natin ng halaga ay nakikita nating masaya.

2 thoughts on “Basta Para Sa’yo

  1. Tama….

    Madalas kasi kapag nagmamahal tayo. My mga bagay na isinasakripisyo natin para sa taong mahal natin, eventou hindi naman nila un hinihinling, we do it kasi alam natin thats what makes them happy.

    Minsan, mas masaya pa nga tau if nakikita nating masaya ung mga taong mahal…

    Minsan nakakalimutan na din natin ang sarili natin, because of those persons na mahal natin, we usually think of them first before us.

    I agree sa unang sentence mo sis, na ang pinoy likas na matiisin. Sometimes kahit sobrang nasasaktan na sila, they choose to stay. Kasi they love that person.

    missyou…

    nice post again…:)

  2. Ganito lang sigoro talaga ang hiwaga ng pagmamahal, hindi kayang sukatin o bigyang paliwanag.

    Ang importante naging masaya ka sa psgbibigay at sakripisyo.
    🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s