Ibalik

Ibalik mo ako sa mga araw na maaga akong gumigising na mag-isa.
Nakikialam sa mga gawain at pagluluto ng aking Ina.
Hinihintay ang bukang-liwayway para mapadaan si Kuya.
Bitbit ang gatas ng kalabaw para makapag-almusal na.

Ibalik mo ako sa mga araw na sa konting ulan ay labis na ang saya.
Malayang tumatakbo at naglalaro sa malawak na damuhang basa.
Titigil lang kapag nagsawa o kaya’y nilalamig na.
Inaasahan ang sermon ng Magulang kapag nakauwi na.

Ibalik mo ako sa mga araw na ang kalsada sa amin ay lupa at bato.
Alikabok ang malalanghap sa pagdaan ng sasakyang matulin ang takbo.
Namumuti ang lahat ng dahon ng mga puno, halaman at damo.
Makakapagsulat ka sa mga bintana ng salitang kahit na ano.

Ibalik mo ako sa mga araw na ang tubig na inumin ay iniigib pa.
Nung ang sinasalok sa may ilog para ipangluto ay malinaw pa.
Hindi kailangan isipin ang pangbanlaw sa mga nilalaba.
Dahil malayang umaagos ang tubig kahit bawat oras ay maligo ka.

Ibalik mo ako sa mga araw na hindi kailangan ng pera para mabuhay.
Dahil sapat ang mga tanim na makakain lalu na sa likod-bahay.
Ikaw ang mamimili ng magugustuhan na prutas at gulay.
Hindi kukulangin kahit ilang ulit pa humingi ang kapitbahay.

Ibalik mo ako sa mga araw na ang buhay ng tao ay simple lang.
Na lumilipas lang ang maghapon na parang naglilibang.
Nung panatag pa ang bawat damdamin at hindi naiilang.
Na kahit ang simpleng ngiti ay totoong kumikinang.

5 thoughts on “Ibalik

  1. hello, diwangtanglaw,

    “Ibalik mo ako sa mga araw na maaga akong gumigising na mag-isa.”

    “Ibalik mo ako sa mga araw na sa konting ulan ay labis na ang saya.”

    Ibalik mo ako sa mga araw, “Na kahit ang simpleng ngiti ay totoong kumikinang.”

    Paano ba? Ahaha… ^^ Hmnn, ba’t nga at paano ba naging complicated and layered ang pamumuhay natin? Mahirap na yata ang bumalik, kapatid. Wala bang mahiwagang bato?🙂

  2. gaya nung sinabi ni postsquared napaisip din daw ko sa kabataan ko sa post mong ito.

    simple ang buhay namin noon pero kumplikado na rin. so kahit gusto kong magbalik tanaw sumasama yung mga negative things.hehehe

    ang nami-miss ko yung maglaro sa kalsada kasama ng mga kaibigan ko. yung pawisan ka talaga at amoy araw na pag-uwi. tas lalagyan ka ng pulbo sa likod at pipilitng matulog sa hapon. na ngayon ay pinaghihinayang ko, kasi ang dami ko ng antok. hehehe

    mabuhay sa makulay mong tula at pagbabalik-tanaw!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s