Lahat ng Gubat, May Ahas!

Ano nga ba dapat ang Boss? Ito ba yung kumakain ng reputasyon? Ito ba yung walang pagpapahalaga at paninimbang sa personal na nararamdaman. Ito ba yung bumabasag ng dignidad at tumatapak sa pagkatao? O ito ba yung walang konsiderasyon basta masabi lang na nagawa nya ang trabaho nya?

Kung ang turing mo sa iyong boss ay isang zombie at ikaw ang pea shooter, aba’y huwag ka na mag-aksaya ng panahon para maglagay ng maraming tall nuts sa harapan at samahan mo na ng apoy ang mga bala mo. Lalu na kapag alam mo sa sarili mo na kaya mo lang sya tinatawag na boss ay dahil sa posisyon. Hindi mo man lang matapunan ng kusang respeto dahil sa nagyeyelong pakikitungo at manhid na damdamin.

Bakit nga ba may mga ganung boss?

Para ba sa reputasyon? Kung mawawalan naman ng respeto ang mga taong hawak mo kapalit ng matunog at makulay na papuri.

Para ba sa magandang imahe ng departamento at kumpanya? Kung bumababa naman ang moral ng taong dapat ay nangungunang sumusuporta sa’yo.

Para ba masabing ikaw ay nasa posisyon at nasa iyo ang kapangyarihan? Paano ka kikilalanin kung hindi mo kayang magpunla ng respeto para anihin.

Marami na rin akong nakasalamuha na boss at hindi ko kailangang magkumpara. Uuriin ka kasi bilang ikaw at hindi dahil sa nagawa ng iba. Baka kasi hindi ka nalalayo sa mga pulitikong maamo lang kapag nangangampanya pero gahaman naman pala kapag nakaupo na. Yung bang puro pakitang gilas lang at nagmamarunong pero kapag nalagay na sa alanganing sitwasyon ay hindi na alam ang gagawin.

Kaya sana huwag mamaliitin. Huwag magkakaroon ng diskriminasyon. Para kasi sa akin, ang posisyon ay para lang sa paghahati ng responsibilidad. Ikaw man ay nakababad sa laptop sa loob ng malamig na opisina o maghapong nanlalagkit sa pawis sa paghawak sa basahan at walis. Hindi sukatan ang posisyon kung sino ang mataas at mababa dahil paglabas sa trabaho, parepareho lang tayong lahat sa iisang pamantayan at sukatan.

3 thoughts on “Lahat ng Gubat, May Ahas!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s