Fastfood Lovestory

Nalalapit nanaman ang Pasko at nakaisip na ako maglista ng mga reregaluhang inaanak. Nasa kalagitnaan na ako ng paglilista nang bigla akong masamid sa mga magulang ng mga inaanak ko. Naalala ko kasi ang mga love story ng mga kumare ko. Karamihan sa kanila na nakapagwork sa fastfood ay halos iisa ang kwento kung paano nabuo ang pag-iibigang sinimulan sa kitchen, sa office, sa counter, sa crew room, sa dining at sa kung saan-saan pang outdoor activities kapag may katrabaho na may birthday, christmas party, new years party, team building at training o kaya naman simpleng yayaan lang na inuman at gimik pagkatapos ng duty.

Paano nga ba nagsimula?

Hindi naman ganun kakomplikado ang lahat. Ito kasi yung panahon na habang nag-aaral ka ay mangangailangan ka ng karagdagang pagkukunan ng panggastos. Merong mga matindi ang pangangailangan dahil sa kakulangan sa aspetong pinansyal. Meron din naman na para makakuha lang ng karanasan sa pagtatrabaho o kaya naman ay nakigaya lang sa mga kabarkadang nagkayayaan lang na pagsabayin ang pag-aaral at paghahanapbuhay. At isa ako dun sa nakigaya-gaya lang at hindi naman nagpatuloy kahit nakapasa sa mga interview. Kung bakit, e kasi nga nakigaya-gaya lang. O maarte lang ako talaga nung mga panahon na yun. Ahaha!

Ang siste e crew ang simula o kaya naman ay kahera. Siempre hindi mawawala ang mapagsamantalang trainor na siyang makakahalubilo mo araw man o gabi depende sa oras ng trabaho mo. Sa simula pa lang naman ang tinitingnan na nila ay yung mga katrabaho na pwede nilang maging girlfriend (hep, huwag magreact ng sobra, hindi ko nilalahat). Dahil ba na nasa posisyon sila e ganun-ganun na lang kung pasunudin nila yung tinitrain nila sa mga personal na pabor? Tsk!

At kapag lumaon, dahil sa pinakitaan naman ng mabuti ay unti-unti na rin nahuhulog ang loob ng walang kamuang-muang na crew o kahera sa kanyang mapagsamantalang trainor. Patunay ba yan na natuturuan ang puso? Isang malaking hindi. Dahil ang naging sitwasyon ay binulag lang ng mabulaklak na pananalita at balat-kayong kabaitan. Hindi naman siguro halata ang pagbatikos ko sa reyalidad. Paumanhin ha, nadadala lang ako masyado sa storya lalu na at naalala ko yung mga panahong may umiiyak habang nagkukwento.

Mula sa pagiging magboyfriend/girlfriend, iba-iba ang kinahantungan ng sitwasyon pero halos karamihan sa kanila nabuntis na bago pa makapagtapos ng pag-aaral. Yung iba hindi na tinapos ang pag-aaral. Isang malaking hamon kung paano aaminin at ipapaliwanag sa mga magulang. Meron pa nga nakaisip na ipalaglag na lang yung bata para daw maging solusyon dahil si trainor e hindi pinanagutan yung pananamantala nya sa sitwasyon. Kaya ayun, maraming plano sa buhay ang nasira at hindi na naisakatuparan dahil sa maagang
responsibilidad bilang mag-isang magulang.

At ngayong malalaki na ang mga inaanak ko sa kanila. Merong nasa bahay lang at meron din namang nagtatrabaho na rin. Merong single mom at meron din namang nakapag-asawa na ng hindi trainor. Meron din hangang ngayon kapag may bagong trainee si trainor e akala mo parang wala pang asawa. Merong nagsisisi. Karamihan sa kanila. Pero siempre meron din namang naging maayos at matatag ang pagsasama bilang mag-asawa at matatawag mo na pamilya.

Maaaring may mga desisyon noon na hindi na napag-isipan mabuti dala ng kapusukan. Pwede rin naman na biktima ng sitwasyong pinagsamantalahan. Kung ano man ang mga pagsisisi at panghihinayang, hindi na yun maibabalik pa para solusyunan. Bagkus ay harapin ang ngayon at ang bukas ng may ngiti at tapang dahil sa mga bagay na natutunan. Ang mga negatibong nakaraan ay isang aspeto lang na tumulong para lalu kang tumibay at maging matatag. Magpatuloy dala ang positibong pananaw para sa sarili, sa kabiyak, sa pamilya, sa mga kaibigan, at higit sa lahat, para sa aking mga inaanak.

Sana wala akong makalimutan kaya ako ganito ako kaaga nagsusulat ng mga pangalan.

9 thoughts on “Fastfood Lovestory

  1. @___@

    Diwangtanglaw, I really can’t understand. It’s a mystery. I can speak the language, but I can’t write nor can understand the written one. Are there 2 sets of tagalog ? One for writing and one for speaking ? I’m getting frustrated with myself . (~.~)

  2. Don’t get frustrated Renx. I will send the other set for you my dear.

    Huwag ka sana magsawa. Keep safe and many thanks.

  3. just want to share my experience as a service crew. pra sa akin ang laking tulong nun sakin, sa paghubog sa buong pag katao ko. Mdami akong nkilala at naging kaibigan, at dahil dun mrami akong natutunan sa knila, Tama ka, marami ngang taong pamanamantala sa khinaan ng iba, mdmi rin akong kilalang ganun, Nasasayo na lng un kung padadala ka.

    sabi nga nila kpg nag end of contract kana, end of contract na rin ang relasyon nyo

    pero pra sakin, na break ko ung kasabihan na un ng isang crew, and because of that Im so Thankful dahil dun ko nkilala ang taong minahal ako kung ano pa man ako.at ang ending nun, were here share the life forever. with two little angel🙂

  4. hello sis….bago na pala ang theme…..

    madami akong kakilala na nag work sa fastfood…. tama ka…hahahahaha…

    wag mo nga palang kakalimutang isama ang name ko jan sa iyong listahan ha….hehehehee

    advance merry xmas sau sis….

    mwah

  5. Ay Sis over age ka na para sa listahan ko.

    Hmmmm… pero dahil love na love kita, isasama pa rin kita pero huwag mo asahan na nasa unahan ang name mo ha kasi baka sabihin nila may favoritism. Ahihi!

    Ikaw ang una sa pamaskong pagbati sa akin sis! Advance merry christmas din!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s