Notebook ng Tadhana

Nakasulat na nga ba ang mga kapalaran at mga mangyayari sa atin sa notebook ng tadhana? Kung yayaman ba tayo at makakapagpatayo ng bahay sa tabi ng dagat? Kung mapapangasawa ba natin yung kababata natin na hanggang ngayon ay may puwang pa rin sa bahagi ng ating pagkatao? O mananatili na lang tayong mahirap habang nabubuhay? Kung ganun e kawangis na tayo ng mga libro na natapos nang ilimbag. Kailangan na lang basahin ang bawat pahina para malaman ang kahantungan.

Madalas nababanggit ang kawalan ng pag-asa kapag dumarating tayo sa puntong sobra tayong nalugmok sa negatibong pananaw sa buhay. Mga panghihinayang at pagsisisi na siyang magkukumbinsi sa’yo na humanap ng mapagbabalingan. Dahil sa ganito, dahil sa ganyan at kung anu-ano pang sanlibo’t-isang kadahilanan. Sa dami ng itinuturong responsable sa kinahinatnan, isa lang naman ang dapat na pag-ukulan – ang sarili. Dahil wala namang ibang may kasalanan sa lahat ng mga nangyari, maganda man o hindi – kundi ang sarili.

Kung hanggang ngayon ay wala ka pang trabaho, kasi pinayagan mo yan na mangyari sayo. Kung ikaw ay studyante na anim na taon na sa kolehiyo, kasi mas pinili mong ienjoy ang mga barkada mo. Kung hanggang ngayon ay wala ka pang boyfriend o girlfriend kasi masyado kang pihikan. At kung bakit ka nakapag-asawa ng hindi mo naman gusto, kasi nga ginawa mo ang desisyon mo noon ng hindi na nagtimbang at bago magpasya.

Kahit na ano ang kalagyan nating sitwasyon, may magagawa tayo palagi para maging maayos ang kahinatnan. Kung hindi man umaayon sa ating kagustuhan, hindi naman tayo naiiwan na wala ng desisyon na pagpipilian. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa ika nga. Hindi yan parang bunga ng prutas na hihintayin mo na lang mahulog para mapasayo. Pwede mo naman sungkitin, akyatin, batuhin ng tsinelas o gamitan ng 12 feet na multi-purpose ladder na aluminun. Kahit na ano pa mang pamamaraan ang piliin mo, ikaw at ikaw pa rin ang gagawa nun para sa kagustuhang resulta. Kaya kahit na gaano pa kahirap yang napiling paraan, sulit na sulit yan dahil iyong pinaghirapan. At di ba, sa huli magiging okay din ang lahat. Kaya kung hindi pa okay, hindi pa yun ang huli.

May kapangyarihan tayo na baguhin ang mga sitwasyon natin. Tayo ang mga pintor sa mga buhay nating obra-maestra. Mga dibuhong mga kamay natin ang nagmamanipula at mga desisyon natin ang magtuturo kung saan ba tayo papunta. Kahit na makailang ulit na magsimula at matapos ang mga kabanata, tayo pa rin ang pangunahing karakter at bida. Tayo ang matututo sa bawat pait at tamis, lungkot at saya. Kalakip ang gabay at pagmamahal ng Poong lumikha, tayo ang nag-uukit ng bawat letrang masusulat sa notebook ng tadhana.

19 thoughts on “Notebook ng Tadhana

  1. I tried understanding without Google translate…Fail ! But there were some that I did understand and for some reason, I kind of got the gist… is it about Fate and life as we make it?

  2. Hi!

    It’s never too late to take control. 🙂

    To add to one of your comments:

    “The hardest decision to make. The right choice. ^_^”

    After the right choice comes taking the first step.

    TC.

    brianitus

  3. Tama! At panibangong kabanata nanaman ang pagsisimula ng unang hakbang.

    Maraming salamat sa pagdaan Brianitus.

  4. Hello🙂

    Pak na pak ka jan. Ang mga bagay na meron tayo ngayon ay bunga ng mga desisyon natin kahapon o kanina o ngayon ngayon lang din. Maaaring tagumpay ito o hindi, pero kahit ano pa man, tayo pa rin ang naging sanhi nito.

    Kumbaga, maaari nating matikman ang sarap ng pinaghirapan o maaaring ang kabaliktaran nito. Pero hindi natin dapat pagsisihan kasi “ginusto mo yan eh.”

    Matuto ka na lang at bumangong muli. Napadaan lang po🙂

  5. Maraming salamat Brian sa paghanga. Ako din maraming hinahangaan dito na magaling sa pananagalog. Yung iba kailangan mo pa ng masusing pananaliksik mahagilap lamang ang pakahulugan.

    At marami ka talagang matututunan. Yun ang kainaman. Ingat palagi.

  6. “Matuto at bumagong muli…”

    Para sa susunod na pagkakataon ay may dagdag kalasag kang kakaharapin ang panibagong hamon. Sandata ang matalinong pagpapasya at ang aral ng kahapon.

    Maraming salamat Mary sa pagdaan. Sana ay palagi kang magawi dito sa akin mumunting tahanan.

  7. Korek😉 Para next time, keribels na ^^

    Marami akong natututunan sa pamamasyal sa inyong mga tahanan. Babalik at babalik ako dito🙂 Magandang gabi!

  8. Maraming salamat at kahit na papaano ay may naibabahagi ako.

    Huwag magsawa ha.^_^ Magandang gabi din sayo!

  9. Pwede rin naman natin sisihin ang sarili. Pero dapat pagkatapos nun, bati na kayo ulit.

    Salamat sa pagbisita Bagotilyo.

  10. Nope…we dont need to blame our self…in the first place kya nariyan sa lugar na kilalagyan mo its just because its your choice and u made a decision for that. kya nga my kasabihan think a hundred times before you made a decision.

    so for me… i made the right choice…kung ano man ang meron ako ngaun i enjoy it! life is too short….^_^
    kung ano man ang kahihinatnan neto…walang pagsisi sa huli…at least i try🙂

  11. Sinersoyo mo naman Shmily yung pagsisi sa sarili. Baka naman gusto mo din yung idea ng pakikipag-away sa sarili? O kaya naman ang magsisi muna bago gumawa ng desisyon? Ahihi!
    Sa kabilang banda, kainaman at tamang desisyon ang pinili mo. Madalang ang nakakapagdesisyon ng ganyan kasi kadalasan padalos dalos at kinukumbinsi lang ang sarili na tama ang lahat ng kanilang ginagawa ayon sa sariling pananaw at pamantayan.

    Salamat sa muling pagdaan!

  12. Pingback: Basta Para Sa’yo « Diwangtanglaw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s