Luhang Nakatanikala

Balisa ka nanaman at nagugulumihanan.
Kung ano ba ang gagawin at sino ang lalapitan.
Dahil sa binabagabag ang iyong kalooban.
Ano nga ba ang pinakamagandang paraan?

At nagdesisyon ka nga ng padalos-dalos.
Hindi na tinimbang ang damdaming nagtutuos.
Pakiwari mo’y kandila kang nauupos.
Dahil sa kapusukang nagdulot sa’yo ng unos.

Gusto kitang sumbatan pero paano?
Kung ang magalit nga sayo ay di ko mapagtanto.
Marami akong tanong na nagsusumamo.
Isa na dito kung “Bakit? Bakit ako?”

Hindi mo na ako binigyan ng pagkakataon.
Na maranasan ang sarap kung ano ang buhay na mayroon.
Dahil para lang lahat sa sarili mo ang desisyon.
Na hindi na pinag-isipan kung saan man paroroon.

Alam kong lumuha ka pero hindi dahil sa akin.
Kundi dahil sa pisikal na sakit na hindi kayang indahin.
Pero higit pa diyan ang balik sa akin.
Dahil alam kong nakahinga ka na ng malalim.

Pagkatapos ng tatlong buwan kong pagsisimula.
Winakasan mo ang lahat ng aking nagawa.
Dumanas ako ng sakit, hirap at pagdurusa
Pero hindi ko na naranasan ang tumawa at lumuha.

Hindi ko na nakita ng mundo mong ginagalawan.
Kahit ang pagkakataon na ikaw ay masilayan.
At ang pinakamasakit sa lahat ng naranasan.
Kahit kakarampot na pagmamahal ay hindi mo ako nabigyan.

Pero kahit na ipinagdamot mo ang lahat sa akin.
Wala akong hinanakit sayo na dapat mong isipin.
Ikaw pa rin ang Mama ko Kahit di mo man aminin.
Mahal na mahal kita kahit ganito ang ginawa mo sa akin.

[ Isang kalahok sa Paluhang Timpalak ]

7 thoughts on “Luhang Nakatanikala

  1. Seems like you have another translation assignment. ^_^ Don’t worry, it’s mega worth it. Ahihi!

    Keep safe Renx. Happy weekend!

  2. abortion…bad..tsk tsk tsk..mga nilalang na walang kamuwang-muwang…dami nyan…

    salamat sa iyong pag sali..pero mukhang nacarried away ko po kaibigan…hanggang 4 stanzas lang po ang kailangan…pati po ang paglink (no.8) ay nakaligtaan mo rin po….

  3. May temang aborsiyon naman ang iyong tula.

    May pag-aagas na may sapat na dahilan pero hindi rin naman makatarungang pagkatapos buuin ay ilalaglag din at hindi na bibigyang ng buhay ang bata.
    Depende sa dahilan ng isang ina, anupaman, ito ay isang hakbang na dapat na pinag-iisipang mabuti.

  4. Mukha ngang nadala ako masyado sa agos ng emosyon. Paumanhin kung lumabis sa naitakdang bilang ng talata pero nasa pinakaibaba yung hinihingi ng iyong panuntunan bilang walo. Aayusin ko nalang Iya_khin.

    Isang kagalakan ang mapayagan mo akong makasali.

  5. Tama po kuya Jkul. Yan yung mga taong dapat inilalagay sa loob ng washing machine para maalog ang utak at matauhan.

    Salamat po sa pagbabasa. Magandang araw!

  6. I find it very rare to see bloggers who really write Filipino poems this good. Thank you so much for sharing your craft to your readers. I am proud I am one of them.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s