Gatas ba o Tsokolate?

Kadalasan nagiging masaya tayo kapag nakakamit natin ang mga bagay na gusto natin. Maging materyal na bagay man yan o hindi.Kapag may mga inaasahan tayo na natutupad at kapag may mga bagay na nagaganap ng naaayon sa kagustuhan natin. Likas na sa tao ang hindi maubusan ng gusto. Ang mga gusto na yan ang isang malaking aspeto kung bakit patuloy tayo na naghahangad, nangangarap at nagpupursige.

Pero hanggang kelan? Hanggang saan? Sadya nga bang hindi kayang punuin ng mga nakakamit natin ang buslo natin ng kasiyahan? O talagang ipinanganak tayo dito sa mundo na hindi marunong makuntento. Ang dami kasing gusto. At kapag nakamit na yung gusto, meron nanamang panibago.

Noong nagsimula ka palang kumita ng pera, maliit pa ang sahod noon. Maaaring kapos pero napagkakasya kahit nakasabay pa ang napakaraming gusto. Pero ngayong malaki na ang kinikita mo, nakikita mo pa rin ang sarili mo sa kaparehong sitwasyon. Ang dami pa ring gusto at nasasabi mo pa rin na kulang. Simple lang naman, alipin ka kasi ng pagsabay ng istilo ng pamumuhay mo sa pag-unlad ng kinikita mo. Sa punto sigurong yan ay makakapag-isip ka na kung ano ba ang iyong mga kailangan kumpara sa mga luho lang.

Naalala ko tuloy yung isang bata na nag-aaral na sa elementarya. Nagtungo sila ng mall ng kanyang Ina pagkatapos ng unang araw sa iskwela upang mamili ng mga gamit pampaaralan. Napadaan sila sa bilihan ng sapatos at nagturo yung bata. Pagkatapos ng maiksing pag-uusap ay nilisan nila ang bilihan ng sapatos. Hindi sila bumili dahil maayos pa naman yung sapatos na ginagamit nung bata pampasok sa iskwela.

Ito ba ang simpleng paglalarawan ng tinatawag na “kuntento”? Sabi nga di ba na hindi magiging masaya ang isang tao kapag hindi nya natutunang makuntento. Ang pagiging kuntento ay hindi nalalayo sa pagiging payapa. Na kapag nasa kaayusan ang lahat, ito ay nagdudulot ng sayang hindi pansamantala. Pero sa tingin ko, matatawag kong masaya yung bata kapag nabili yung sapatos na gusto nya.

Sana nilikha na lang ang kasiyahan ng tao na nakalagay sa garapon. Na kapag nauubos na ang laman, alam mo kung hanggang saan ang dapat mong punuin. Na nabibili lang sa supermarket kada galon at natitingi sa tindahan ng pakonti-konti. At pwede kang mag-ipon ng kasiyahan kapag bubuhos na ito sa panahong nakatakda kagaya ng ulan.

Pero ano nga ba talaga ang mas matimbang, pagiging kuntento (contentment) o ang kasiyahan (happiness)?

12 thoughts on “Gatas ba o Tsokolate?

  1. tingin ko ang pagiging kuntento.. kasi happiness comes next kapag kuntento ka na. Ang pagiging kuntento kahit sa maliliit na bagay ay nakakapag bigay ng kasiyahan .

  2. Parang…
    Bakit ka pa hahanap ng spaghetti na may meat balls kung pwede ka naman mapatambling sa sarap ng pansit canton na may nilagang itlog.

    Haaay sarap! Solved!
    Salamat sa pagdaan Lambing.

  3. Awww! I tried using Google translator, but there was nothing for Filipino to English! T.T

    I promise to reread this though and understand.. or write the whole thing down and show it to my mom or sister. I speak fluent Tagalog , but not the deep ones.. I left the country when I was 6 so my vocabulary is quite limited…. i get by with conversational Filipino…….. but written Filipino stumps me. (6_6)

  4. I love to see if one day you can write a post in pure tagalog. Challenging eh. ^_^ I’ll wait for your comment in tagalog also.

    Keep safe Renxkyoko. Many thanks for dropping by.

  5. hello sis…..

    parang nahirapan naman ako sa tanong mo……

    wait lang iisipin ko palang……

    siguro being contented kasi pag kuntento ka na magiging masaya ka na….

    napadaan lang ako…..

    missu sis….

  6. Kahit ako din nahihirapan yan sagutin. Kailangan mo kasi ng maraming karanasan at malawak na pananaw at pang-unawa sa buhay para mabigay ang makulay na kahulugan nyan.

    Hug na lang kita para maibsan yang pagkamiss mo. Hmmmmuah!
    Salamat sa pagdaan Sis.

  7. Here goes…..

    Mas gusto ko kuntento at masaya.. pareho… kasi pag kuntento ( Contented, right?), masaya rin. Wala may difference between the two. Pero gusto ko bagong sapatos, masaya ako , pero kung maaayos ang old shoes, at mukang bago, kuntento na ako, pero seguro, hindi masyadong masaya.

    Oh, my gosh, this is so lame… LOL ! ! I give up! ! hahaha

  8. Actually binasa ko muna bago ko tiningnan kung sino nagsulat. Nagulat ako nung makita ko pangalan mo dahil tagalog yung comment.
    Ang galing Sis! Gawin mo pa ng mas madalas para makakapag-usap na tayo ng diretsong tagalog. ^_^

    Ingat lagi.

  9. ayun oh! ngayon lang ako nakapunta ulit dito.😀

    sabi ng isang status sa facebook:

    satisfaction is thinking that everything you have is enough.

  10. since ang tanong mo ay kung nao ang mas matimbang — siguro.. ahhmm..

    teka ah…

    ano nga ba?

    hhahahha…

    Siguro depende sa pananawa ng tao kung paano niya tignan ang kaligayahan at kakuntentuhan.. ^_^

  11. Parang kanya kanyang trip lang. Depende na sa tao kung paano nya titingnan ang anggulo ng buhay para sa kaligayahan at kakuntentuhan.

    Ingat lagi Online Superhero.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s