Pagtatanto

Sadya nga ba na may mga taong mataas ang pride? Para saan? Para kanino? Para ano?

Totoong meron tayong lahat nito. Depende na lang sa atin kung saan, kelan, at paano natin gagamitin. Basta hindi nakakasakit ng iba, masarap sa pakiramdam.

Nito lang nakaraan, dumaan ako sa lubak-lubak na daang gawa sa kapalaluan. Ang hirap bagtasin, ang hirap marating ang dulo. Lalu na akung ang pamantayang pinagbabasehan at walang pakundangan. Sasabayan pa ng pagbuhos ng mga katwirang may bahid ng makitid na pag-iisip. Sa totoo lang, halos walang natira sa baon kong pang-unawa. Maiksi na nga din ang pasensya ko mauubusan pa ako.

Haaaay life!

Nasambit ko tuloy yung isang linya sa kanta ng Yano. Gusto ko wala ako dito. Isang pagtakas sa sitwasyon para sa isang iglap ay tapos na pero napagtanto ko na hindi yung ang wastong solusyon. Isang karuwagan ang pagsuko ng dangal at dignidad ang talikuran ang isang magandang laban sa buhay. Baka sa huli ay ako pa mismo ang unang tatawa sa sarili ko kapag ginawa ko yun.

Pero kung basagin ba naman sa malilit na piraso ang kabuuan ng damdamin mo, malamang ay hindi ka na mag-aaksayang bumili ng sangkatutak na super glue para buuin pa yun ulit. Kesihudang libutin ko ang lahat ng hardware store para bumili ng kapalit. Pero hindi ganun eh, wala palang spare parts ang damdamin. Kaya sa gusto ko man at hindi, kailangan ko maging matibay, matatag, malusog at masustansya.

Sa kabila ng mga sakit na naranasan, mas masakit pala na malaman mo na wala palang kaibahan kung ikaw man ang pinakaimportanteng tao na nagpapahalaga, nagmamahal at nagmamalasakit. Dahil sa mata ng kapalaluan, kapareho ka lang ng iba. Kaya ang gagawin mo na lang, tatahimik sa isang tabi at iiyak ng walang ingay. Wala ka nang masasambit na kahit ano pa dahil ang mga labi mo ay pinaglapat na ng pagkadismaya.

Naisip ko, isa lang naman ang ugat ng lahat – galit. Nakakabulag ang galit. Nagiging bingi ang taong galit at nakakatunaw ng pang-unawa ang galit. Pero kasi, ang maliit at malaking sitwasyon ay pareho lang sa pamantanyan ng taong bangag sa kapalaluan. Yeh men! Mas malakas pa ang tama nyan sa kung anu-anong ipinagbabawal na gamot.

Ayaw ko sana makadama ng panghihinayang pero hindi ko naiwasan kaya hindi ko na ninamnam ang pagkakataong yun. Wala din naman akong magandang mapapala. Kahit natanaw ko na ito sa malayo, sana lang ay hindi ko na mailapat ang mga paa ko sa sapatos ng pagpapalaya. Kapag nagkataon, maiiling ka na lang habang lumuluha. Pipilitin ang sarili na ngumiti at gagamitin ang natitirang lakas ng loob para humakbang ulit at magpatuloy.

Sa ngayon, mas nakabuti ang pananahimik habang binabawi isa-isa ang naging kawalan sa pagkatao. Hindi ko man naipon ulit ang lahat, naging masaya pa rin ako sa huli. Kung bakit?

Dahil kahit na ang pinakamatayog na puno ng kawayan, dumarating din sa puntong yumuyuko din.

2 thoughts on “Pagtatanto

  1. base ako sis…..

    tama ka….. kahit na ang pinaka matayog na puno ng kawayan ay yumuyuko minsan… wag lang dadalasan…hihihi… baka kasi hindi na sya bumalik pa sa pagkakatayo…tuluyan na syang mapako at tuluyan ng masaktan….

    lika nga yakap kita….

    sana maging ok ka nah….

    *mwahs*

  2. Salamat Sis!
    Ang makapangyarihang yakap mo ay sobrang nakakagaan. Kaya hindi na dapat mag-alala dahil labis na akong naginhawaan.

    Buksan mo na yung bahay mo at nang akin na ring mapasyalan.

    Hmmmuah!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s