Bahay-bahayan

Marahil karamihan sa atin ay nakapaglaro ng bahay-bahayan nung tayo ay mga musmos pa lamang. Sa konting sako na sapin at ilang pirasong kahoy na pagtatabingan para sa dingding, masaya na ang bahay-bahayan. Madalas anak ang papel na ginagampanan ko. Ang mga kalaro ko kasi ay matatanda sa akin ng dalawa hanggang tatlong taon kaya kung hindi sila ang nanay-nanayan at tatay-tatayan ko, mga ate at kuya ko sila. Kapag maganda ang panahon, sa silong ng puno nilalaro ng bahay-bahayan. At kapag tag-ulan naman, mga kumot at kurtina na isinabit sa gilid ng bintana na liligiran ng mga upuan na pinaglapit-lapit ang magsisilbing dingding.

Mauubos ang mga talbos at dahon ng mga halaman sa bakuran para maging sangkap sa luto-lutuan. Samut-saring bulaklak din ang magiging palamuti at rekado ng mga kunwaring ulam na ihahain. Ganun lang kapayak ang pagpapamilya. Simpleng dalhin, simpleng palakad, walang luho at puro saya.

At ang paborito ng mga tatay-tatayan?

Ang pagsapit kunwari ng gabi dahil sa pagtulog nila ng nanay-nanayan ng magkatabi. Pagkatapos nun, walang tigil na tuksuhan at asaran na ang pagkakaabalahan. Tuksuhang inukit sa pagkabata na mababakas pa rin hanggang ngayon. Yung iba, tinotoo na nila, yung iba tinutukso pa rin hanggang ngayon.

Hindi ko na madalas makasama ang mga kalaro ko ng bahay-bahayan noon. Kung hindi sa text, sa email na lang nagkakaroon ng komunikasyon. Pero hindi pala niluma ng panahon ang masayang paglalaro noon. Marami pa rin ang nagbabahay-bahayan ngayon. Malayo nga lang sa paglalarawan ng kamusmusan at puno na ng responsibilidad ang bawat pagdedesisyon.

Ang pagiging estudyante, paghahanapbuhay sa malayong lugar, testing na pagsasama (oo, may testing) at pagsisimula ng pamilya. Bahay-bahayang may tamis, pait at sarap ng pakiramdam na bubuo sa pagkatao mo. Bahay-bahayang papangaraping maitayo. Na balang-araw sa tulong ng pagsisikap at pagpupursige, matatawag mong sayo. Kasama ang katuwang at mga malilikot na tsikiting. Na katulad mo nung ikaw musmos pa lamang, naglalaro din sila ng bahay-bahayan.

9 thoughts on “Bahay-bahayan

  1. ang pinakamaganda doon sa mga kalaro dati ng bahay-bahayan ay pag nakikita mo ulit sila, parang lahat kayo mong sabihin kase nakita na nila dati ang kahinaan mo, kung paano ka napapasaya ng mga simpleng bagay at sabay na nangarap.🙂

  2. Naalala ko dati, kapag naglalaro kami ng bahay-bahayan nagsasalubong ang kilay ng mga ate ko. Andaming kalat sa likod bahay. Pati tuwalya nila, nadamay. May maibubong lang sa natutulog na manika. Ahaha.

    Sarap din sariwain ang mga alaalang tulad nito.

    Gusto ko din makita ulit ang mga dating kalaro ko. Para lokohin ko ulit kung sino yung “uhugin” dati.😀

  3. Ang sarap talagang balikan yung mga panahong yun Ani. Nakakagaan ng pakiramdam at mangingiti ka habang inaalala.

  4. AWW……bigla ko tuloy namiss ang magbahay bahayan…..

    naalala ko dati, ung dahon ng bayabas, ginagawa naming pera un… tapos my grocery mga ganun…

    Mga 3 pamilya ang ginagawa namin ng mga pinsan ko…

    napakasimple….at masaya…..

    ung mga kalaro ko naman my mga pamilya na ngaun…

    Ung iba nag hiwalay na sa mga asawa nila..

    Nalaman nila na hindi pala ganun kasimple ang totong buhay my asawa….

  5. Kalungkot naman ng kinahantungan. Pero ganun pa man, sigurado naman akong makikita mo sa kanila yung mga aral na dapat nila matutunan.

    Huwag din kalimutan ang sari-saring tansan. Panukli sa dahon ng bayabas at dahon ng mangga.

    Magandang araw sayo Khyshelle!

  6. namiss q din yung mga ganyan.. haha.. bahay-bahayan tapos away-awayan, then bati-batian.. lol..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s