Salamat 2010

Narating na natin ang dulo ng taon. Hudyat ng pagsisimula ng bagong kabanata. Bagong kapalaran at bagong tadhana. Nakaka-excite! Dahil oras na lang ang bibilangin haharapin na natin ang bagong simula. Pero bago tayo magpatuloy, isang lingon muna sa ating iiwanang nakaraan.

~ Salamat 2010 dahil inilayo mo ako, ang aking pamilya at ang mga taong malapit sa akin sa anumang malubhang karamdaman.

~ Salamat 2010 sa pagpapanatiling kumpleto ang miyembro ng aming pamilya.

~ Salamat 2010 sa maayos na buhay na ibinigay mo sa amin. Hindi mo kami pinabayaan sa panahon ng mga kalamidad.

~ Salamat 2010 sa maayos naming kabuhayan.

~ Salamat 2010 sa maraming bagong kaibigan na ibinigay mo sa akin.

~ Salamat 2010 sa lahat ng magagandang pangyayari sa aking buhay.

At sa mga kaakibat na problema at pagsubok sa buhay, salamat dahil nilinang mo lang kami ng husto at pinatatag pa lalu. Kaya kung anuman ang nasulat sa notebook ng tadhana para sa 2011, nadagdagan mo nanaman ang sandata at kalasag ko para harapin ang bagong taon ng buong saya, puno ng positibong pananaw at bago ang kulay ng kuko sa kamay at paa.🙂

Ilabas na ang malamig na beer sa ref. Ilakas na ang sounds at magputukan na!

Isang Masaganang Bagong Taon sa inyong Lahat!

7 thoughts on “Salamat 2010

  1. Wow! Dapat lang magpasalamat tau sa nakaraang ta0n. Maganda man o hindi ang nangyari pero may purp0se pa rin kung bakit nagka ganun. Maligayang bagong taon!

  2. Gagawin kong bisyo Krisjewel, ^_^ kapag marami ang sapat na oras ko, uulit-ulitin ko ang pagbisita sa mga paskil ng kamalayan mo.

    New year sa pinas? Mas konti ang naputukan, mas konti ang namatay. Yun nga lang madami ang nasunugan.

    At ciempre gaya ng dati, maraming pagkain! (peborit!)

  3. Masaganang Bagong Taon sayo Diwangtanglaw.

    Kung tanglaw ang diwa, puspusin mo nang likidong kaalaman upang makidaloy sa aking likidong sumisipsip ng bago at paulit-ulit na kaalaman.

    Jkulisap.🙂

  4. Ay! Gusto ko yung likidong dumadaloy.

    Malapot? Aylabet!

    Maraming salamat J.Kulisap! Masaganang bagong Taon din sayo!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s