Munting Kariktan

Kaluskos ng dahon kasabay ang mga huni ng ibon. Malayo sa maingay na siyudad na naliligiran ng polusyon. Patuloy ang hampas ng mga alon habang ang mga bata ay masayang naglalaro lang maghapon. Sariwang simoy ng hangin sa sari-saring tanawin na tinatahak. Pipitas lang ng bulaklak sa daanang mahalimuyak. Sari-saring kasiyahan sa bawat baranggay na madadaanan. Kakaning matagal ng hindi natikman, hindi na alam kung ano ang uunahing lalantakan. Pagmamano sa bawat matandang makakasalubong walang kasing tamis na mga ngiti ang tugon. Mga alaala nung kabataan, masayang sasariwain at babalikan ang kahapon.

Sa bawat pag-uwi ko sa amin, yan at yan pa rin ang mga bagay bagay na nagpapasabik sa akin. Maraming panahon na ang lumipas hindi pa rin kumukupas. Kung bakit ang bawat byahe ko patungong probinsya, punung-puno palagi ng masasayang ala-ala. Nang lumaon ay marahan nang dumalang. Ang oras ng kasabikan napalitan na ng mga responsibilidad at mga obligasyon. Mga mundong umaalipin sa mga bagay na dapat ay para na sa sarili mo. Mundong masikip, mainit at mapolusyon. Mundong tinatawag na siyudad. Mundong walang puwang ang makupad.

Dahil sa kinain na ng obligasyon at responsibilidad sa siyudad ang ibang oras ko, ang dami ko na tuloy namimiss. Paliligo sa beach ng maghapon, nonaman kung maitim na ako pagbalik ko sa trabaho. Dalawang linggo lang e balik na ulit ang kulay ko. Ang mamasyal sa bukirin at burol ng nakasakay sa bisikleta. Pag-ani ng mga gulay sakay ang kariton na hila ng kalabaw. Iinom ng sabaw ng buko na kapipitas lang. Ipambabato yung tsinelas para mapitas yung hinog na bayabas. Haaaay sarap! Pero nakakamiss!

Sa kabila ng pagkamiss na yan, nakapagremedyo ako ng pagbabalingan. Taaaahdan!

Munting Gulod

Hindi man kagandahan, Pramis napapawi nyan ang stress ko sa siyudad na ginagalawan. Kaya kapag nagkaroon pa ako ng sapat na oras, uulit pa ako. Para kahit na malayo man ako sa probinsyang hinahanaphanap ko, meron naman akong munting gulod at hardin na pwedeng-pwede sa kuwarto ko.

8 thoughts on “Munting Kariktan

  1. sang-ayon ako, wala pa ring makakapalit sa payak at dalisay na buhay sa probinsya…

    nice work..pwede mo maging negosyo yan🙂

  2. Madali lang Ani, kapag iiwan mo sya ilagay mo lang sa tapat ng bintana na sapat ang liwanag basta yung hindi direkta yung sinag ng araw tapos ang pagdidilig e kahit hindi daily basta kung kailangan lang nya.

    Naisip ko nga kagabi habang pinagmamasdan ko yung munting barong-barong. Mas maganda siguro kung puno ng niyog yung katabi nya. ^_^

  3. Alam mo ba kung bakit sobrang importante sa akin ang tabi ng dagat? Kasi dyan ako naliligo ng ala-ala. Sobrang refreshing!

    Nakakamiss talaga.

  4. nag babalak n tuloy akong umuwi ng probinsya…advice kta kung kelan pra sabay tyong mag reminish,,,hahaha

    ung tipong palubog ang araw….naku nmn pati tuloy ako nahahawa n ng pagiging makata mo…hahaha

  5. Aylabet! Huwag ka mag-alala. Maeenjoy mo rin ang pananagalog at pagtutugma ng mga salita.

    (Sa tono ng isang komersyal ng kape) Ang sarap kaya. Try mo!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s