Anong Meron?

Marami na tayong naibahagi at marami pa tayong ibabahagi. Siguro nga para na itong sakit na hindi na gagaling. Yun bang hindi kumpleto ang katawang lupa mo kapag walang napaskilan ang likot ng diwa at pananaw mo. Aminin man natin o hindi, bahagi na natin ng mundo ng “blog”. Para bang ito ang usb cable ng cellphone mo, ang straw sa softdrinks mo, ang electric fan mo sa gabi, ang earphone ng i-pod mo at higit sa lahat, ang garter ng panty at brief mo.

Sa mundong ito pwedeng-pwede kang magpakaikaw. Ipangalandakan sa buong mundo ang hubot-hubad na anyo ng pagkatao mo. Yun bang lahat lahat na ng tungkol sayo e naisulat at naibahagi mo na. Kaya kahit hindi pa nakikita ng personal e parang magkasama na kayong lumaki, nagkamuwang, naligo sa ulan, umibig, umiyak at natuto ng kalokohan.

Pwede ka rin karakter sa likod ng isang anino. Sabi nga ng iba, yun yung side B. Isang bago at ibang pagkatao na hindi nakikita at nakikilala sa personal na ikaw. Parang isang prinsipe o prinsesa sa isang magarbong pagtitipon na kung saan ang lahat ay nakasuot ng maskara. Pero kung babagtasin mo ang kanyang diwa, punto at pananaw, maiintindihan mo ang kahulugan ng kanyang tunay na pagkatao.

Meron din parang turista. Patuloy lang na naglalakbay. Pabatibati pakawaykaway. May mga napapanahon, nakikiuso, napadaan, palundag-lundag at palipatlipat. May nagbabahagi ng kaalaman, may sumasang-ayon at may sumasalungat.

May bata, nagpapanggap na bata, may mga marunong na gumawa ng bata at may mga bumalik na rin sa pagkabata. Ibig lang sabihin, walang pinipiling edad. Kahit na ano pa estado mo sa buhay, dito ay mayroon kang diwang malaya.

Ano pang meron?

Samut-saring emosyon. Pinakapopular na dyan ang pag-ibig. E sino pa ba sa atin ang hindi pa nakaraanas nyan? Sa dami ng lebel at aspeto nyan, sigurado akong bawat pusong pumipintig ay naranasan na ang malunod sa lalim ng pag-ibig.

May galit sa mundo. E ano ngayon kung dito ko ibuhos ang hinanakit ko? Isang paraan kasi para mabawasan ang bigat na kinikimkim. Pagkatapos magpipindot ng keyboard, kalmado na ulit at nakakangiti na sa pagbabasa ng komento at puna. Sumbungan ba? Pwede!

Meron din mga ekspertong tagapayo at gabay. Sa paraan ng kanilang pananalita, mababakas mo na may malawak silang karanasan at marami na silang mga taong nakasalamuha. Talaga namang kapupulutan mo ng aral. Kahit na maliit na yung scroll bar mo sa gilid, hinding hindi mo yun hihilahin agad pababa. Tapos sasambit sa huli. Woah, ang haba!

May mga kalokohan, kadiri, kalibugan, katatawanan, katangahan, naligaw, nakarelate. Mga kulit na nagpapatingkad sa mundo ng malayang pagpapahayag. Bagong mundo ng pagkakaibigan. Mga bagong kakilala at may mga makikilala pa.

Merong wala lang. Bakit wala lang? Wala lang…

Ilang lang yan at marami pa. Kapag napadpad ka sa pahina ng diwa nila, mas makikilala mo sila. Huwag kang mag-iinarte kung hindi mo masakyan ang laman ng bawat pahina. Walang basagan ng trip ika nga. Basta huwag kalilimutan na ang bawat titik na inilapat para maipahayag ang saloobin, kahit gaano pa yan kasimple ay mayroong isang milyong pakahulugan mula sa may akda.

4 thoughts on “Anong Meron?

  1. Magandang outlet kasi ang pagba-“blog”

    Gaya nga ng sabi mo, pwedeng maging “ikaw”… pwede ring inde. May katotohanan man o wala, ang hatid na aral nito sa mambabasa ang mahalaga.

  2. … ako minsan hindi ko namamalayan pwede pala mabasa ito ng sangkatauhan.. pero sige pa rin ako sa pag kwento ng buhay kong masalimuot .. minsan naman ng buhay pag ibig kong parang ewan lang,,, oero syempre yun iba naman may matutunan ka naman.. akala ko kasi nag da diary lang ako eh ehehe.. namamalayan ko nalang na hinde kapag pinuputakte na ako ng comments haha

    i love blogging🙂

  3. masaya sa mundo ng blog😆 pero hindi dahil eto ang uso.. nakiuso ako

    mahal ko ang pag-susulat kahit pa sabihing hindi nila magets ang mga sulat ko..pakialam ko hahaha..

    ang sa akin lang naman.. nailabas ko ang kawirduhan ng utak ko..
    minsan mas makikilala nila ung tao sa likod ng blog..kesa sa totoong mundo..
    lahat ng emosyong hindi kayang ipakita..nandito

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s