Balikatang Obligasyon

Dumadami na sila. Mga miyembro ng sambayanang pilipino na bumababad sa pagbabanat ng buto. Kadalasan hindi na nakakatapos ng pag-aaral dahil mas matimbang na ang pangangailangang maghanapbuhay para mabuhay, para makatulong sa pamilya o kaya ay maitawid ang pangangailangan lalu na ang sikmurang kumakalam sa araw-araw.

Si Nerisa, edad 19. Second year high school lang ang natapos. Pangalawa sa anim na magkakapatid. Ang panganay na kapatid, maagang nag-asawa. Napilitang tumigil sa pag-aaral upang maipagpatuloy ng mga nakababatang kapatid ang pagpasok sa eskwela. Sya na rin sa ngayon ang tumatayong panganay sa apat pang nakababatang kapatid. Para makatulong sa pamilya napilitang maghanap ng trabaho. Dahil sa hindi nga natapos kahit ang high school, trabaho sa fastfood ang kinahantungan. Hanggang ngayon, bente-tres na nya, patuloy pa rin sa paghahanapbuhay para sa pamilya para makatulong sa mga kapatid na nag-aaral.

Si Marlon, Edad 25. Isang merchandiser sa supermarket. Sa kinamulatang trabaho na rin naganap ang ilang mga importanteng okasyon ng buhay nya. Nakapag-asawa, nagkaanak at ngayon ay pilit na pinupuhunanan ang pagkakaroon ng matatag ng pundasyon ng pamilya. Pagpasok pa lang ng high school working student na. Naging self-supporting din sa pagpapaaral sa sarili. Pero dahil sa hindi na matustusan ng part-time job ang mga gastusin sa pag-aaral. Napilitan din huminto at magbanat ng buto ng maaga. Ang pangarap na kursong engineering, tuluyan ng kinalimutan.

Si Minerva naman edad 24. Second year college. Working student pa rin hanggang ngayon. Pilit na iginagapang ang pagpapaaral sa sarili dahil sa mga pangarap. Marami na rin ang pagkakataon ng paghinto ng pag-aaral para makapagtrabaho. Kapag nakaipon, mag-eenrol ng ilang units para makapagpatuloy. Sa kabila ng determinasyon at pagpupursigi, maririnig mo na ang pagdaing nya ng pagkapagod sa sitwasyon.

Ilan lang sila sa mga nakakakwentuhan ko at marami pang iba. Sa totoo lang nakakapanghinayang. Kung nabigyan lang sana sila ng pagkakataon na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral hanggang sa makapagtapos, mas magaganda sana ang mga oportunidad sa trabaho ang mapapasok nila. Sa punto ng pagmumuni, nasabi ko tuloy sa sarili ako na maswerte ako dahil kahit na hindi rin ganun karangya ang buhay namin ay napagtapos ako ng pag-aaral ng aking mga magulang.

Ang kanilang paghihirap at pagtitiis, Hanggang kelan? Hanggang saan? Ang mga pangarap, unti-unti ng kumukupas dahil sa mga obligasyong inilapat ng kahirapan. Kahirapan na hindi dapat pinagtitiisan kung hindi lang sana pinag-interesan ang mga bagay na dapat sana ay para sa sambayanan.

2 thoughts on “Balikatang Obligasyon

  1. ako din, pag nakakakita ng taong totoong nagbabanat ng buto, naibubulong ko sa sarili ko, ang swerte ko, di ko naranasan ang naranasan ng nila, at nakakatawa ano, tayong mga nakapagtapos ng pag-aaral, nasa aircon na opisina pero ang dami pang reklamo, we should be glad kung anong blessings na meron tayo, kase madaming tao ang nangangarap na sana sil ang nsa katayuan natin.

  2. Si Marlon, si Nerissa, si Tapya, si Kande at si Kuli- nagbanat ng buto para maging mas maayos ang bukas. Masisipag ang mga Pilipino, mapagmahal sa pamilya. Iyon nga lamang talagang may mga taong sumasadsad sa kahirapan ng buhay. Kahit anong pagpupursige ang gawin, parang wala at wala pa rin.

    Sa dami ng mga nagsisipagtapos, hindi naman ganun kabilis ang pag-usbong ng hanap-buhay sa atin. Idagdag pa ang lumulubong populasyon nating mga Pilipino.

    Yong pagiging tamad, hindi mabigat na usapin ‘yan eh, pwedeng gawan ng paraan ‘yan kung talagang may bakanteng trabaho.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s