Asan ka na?

Ang tasa ni bunso.

Ang tasa ni bunso.

Asan ka na? Umagang umaga ikaw ang hinahanap ko.
Nakasanayan ko na kasi ang simulan ang araw mula sa mga ngiti mo.

Asan ka na? Gutom na ako.
Kunin mo na yung tasa at magkakape pa tayo.

Asan ka na? Itutuloy na natin.
Di mo pa kasi natatapos yung mga kwento ng iyong damdamin.

Asan ka na? Mag-iikot pa tayo di ba?
Lalakarin pa natin ang kabuuan ng lugar ng magkasama.

Asan ka na? Bakit wala ka pa?
Naramdaman ko na lang malayo ka na pala.

Asan ka na? Kumusta ka?
Matagal na rin tayong hindi nagkita.

Asan ka na? Darating pa kaya?
Tatanaw na lang ako sa malayo para alam ko kung nandyan ka na.

Asan ka na? Araw mo ito di ba?
Kahit wala ka, babatiin kita.

Isang maligayang kaarawan sayo Bunso.
Natapos na ang isang taon na kabanata. Bago ulit na simula.

5 thoughts on “Asan ka na?

  1. Hindi nga nagpaparamdam kaya gusto ko na magtampo. Kaya magsoundtrip na lang tayo Tubi sa saliw ng musika ni Taylor Swift.

    “And I don’t know why but with you I’d dance.
    In a storm in my best dress, fearless.”

    Yeah!

  2. Cge, sabayan kita.

    ♪♫ And I don’t know how it gets better than this
    You take my hand and drag me headfirst
    Fearless ♪♫

    Yeabah!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s