Ay! BER months na pala!

Ang bilis ng panahon ano? Parang kabibirthday ko lang eto at magtatapos nanaman ang taon at magbibirthday nanaman ulit ako. Ano na nga ba ang inaasahan natin sa huling tatlong buwan ng taon na ito? Ciempre una na dyan ang selebrasyon ng Pasko at Bagong taon. Pero di ba dadaanan pa ang Undas, birthday ni crush, araw ni Bonifacio at araw paggunita sa pagkakatatag ng barkada namin na hanggang ngayon e kumpleto pa rin. Astig! ang hirap buwagin kaya sana sa muling pagkikita e makarating lahat.

Sa undas, prayers para sa lahat ng mga mahal sa buhay na sumakabilang-buhay na. Yung iba kasi ang layo nila. Kaya hindi ko masisiguro na mabibisita ko silang lahat. Maliban sa kulang ang oras ng bakasyon, for sure e kukulangin din ang budget sa dami ng dapat puntahan kaya sa mga hindi ko mabibisita, kayo na lang ang bumisita sa akin. Pero dapat isa-isa lang ha para naman hindi ako mabigla. *Change of mind* Mas mainam siguro kung minsanan na lang, para isang malakas na “haaaaaaa!” lang ang sigaw ko tapos kumustahan na.

Birthday ni crush? Ahhm, di ko pa alam kung ano ireregalo ko. Sarili ko na lang yata, Hahaha! Maglaway sya! Kahit na crush ko pa sya e hindi naman ganun kadali ang lahat ano. Physical attraction lang naman, hindi ko naman sya kasi nakakasama ng madalas kaya hindi ko pa alam kung ano talaga ang ugali na meron sya. Ipapauri ko pa sya kay kuya para malaman natin kung ano ang kartada nya. Kuya huwag mo tatakutin ha!

Kahit na hindi na masyadong pinagdiriwang ay huwag naman sana natin makalimutan na may mga natatanging nilalang sa mundong ito na nanindigan at nakipaglaban para sa ating kasarinlan at kalayaan. Isang saludo sa kanang kamay habang nakataas ang kaliwang bisig na may hawak na gulok. Sisigaw ng “Mangangahoy na ako!”.

Rock and roll Gat Andres!

Barkada trip maglilimang taon na! Makakarating ang lahat ha! Update update na lang.

Eto ang highlight, ang Pasko. Sabi nga nila lalabas nanaman ang pera ng mga pinoy. Nandyan kasi ang Christmas bonus, mga regalo at samu’t-saring paraffle na gift certificate, groceries, home appliances (gaya ng radyo, tv, washing machine at rice cooker) at kung anu-ano pa na pwedeng maging papremyo. Gayun pa man, kahit na hindi ka nga nakakaluwag sa pera e maghahanda at maghahanda ka para sa noche buena. Nakakaexcite na ano? Pero kumusta kaya ang pasko ng batang naglalako ng sampaguita sa kalsada? Kumusta ang pasko ng batang nagpupulot lang ng basura? Kumusta ang pasko ng sa kariton lang nakatira? Tuwing pasko lang ba nakakakain ng mansanas? Kung marami lang sana akong pera lahat sila bibigyan ko ng sapat na pagkain para pagsaluhan ng kanilang mga pamilya. Hindi na importante kung gaano pa kasarap yung handa dahil wala ng mas sasarap pa sa kumpletong miyembo ng pamilya na masayang nagsasalusalo at nagkakasamasama.

Bagong taon, bagong simula. Panibagong kwento at kabanata. Bagong pag-asa para sa mga hindi pinalad sa nakaraang taon. Na sana ang pag-asa ay hindi na lang mauwi sa wala. Na sana hindi umabot sa susunod na taon na umaasa pa rin. Panibagong paghakbang paharap. Sa mga hindi magandang nagyari, kapulutan ng mga aral. Ang mga magagandang karanasan, baunin at gawing inspirasyon. Dagdag kalasag sa pagharap sa bagong taon.

Sisimulan natin ang Enero uno ng malakas ang tugtog sa bahay, kumpleto ang mga daliri at masayang nakangiti. Kahit na naubos na ang pera, ayos lang dahil hindi naman matutumbasan ang kasiyahan na nakasama mo ng kumpleto ang pamilya sa pagsisimula ng bagong taon.

Sa susunod, kapiling pa kaya natin ulit sila?

8 thoughts on “Ay! BER months na pala!

  1. Sa lahat ng selebrasyon, ang Pasko ang pinakapaborito ko. Di dahil sa may bonus, regalo o maraming parties at sangkatutak na reunions.

    Makita ko lang yung mga mumunting palamuti sa kalsada at sa bawat bahay na nadadaanan ko, napapangiti na ako. Siguro nga may dalang tuwa at sigla sa puso ko ang salitang pasko. Ahahays.

    First time ko dito sa blog mo.
    Magandang araw sa iyo, Bb. Diwata!🙂

  2. Maraming salamat sa pagbisita Tubi.

    Sana sa mumunting talinhaga, likot ng isipan at sipag ng mga daliri ko sa pagpindot ay may naibahagi akong kasiyahan sa iyong pagbabasa.

  3. unang basa ko, diwatang tanglaw….hehe

    ako din, pasko ang paboritong okasyon, may hiwagang dala na gugustuhin mong abangan, andun yong pakiramdam na kahit anong mangyari, ngingiti ka, may kasiyahang mararamdaman.

    magandang araw sa iyo, binibini.

  4. Sana ang hiwaga ng pinakahihintay nating Pasko ay mas lalu pang magningas. Para ang kasiyahang matatamo natin, maibabahagi sa lahat.

    Salamat sa pagbisita Aninipot.

  5. Ang hirap talaga pag malabo na ang paningin. Nakakapag imbento ng pangalan.

    Binibini, pasensya na. “Diwatang tanglaw” din ang unang pagkabasa ko.
    Magandang araw ulit sa iyo.

  6. first time in ur blog…. diwatangtanglaw
    bday ang pinaka gusto ko sa lahat ng celebrasyon…kz binigyan p ako ni Lord ng isa pang year pra makasama ko ang mga mahal ko sa buhay. never mind the christmas, new year or other holidays….kaya nmn spent time every second n ksama sila.

  7. Kaya dapat habang may pagkakataon ay samantalahin dahil hindi natin alam na baka sa susunod na selebrasyon hindi na natin sila makakasama.

    Salamat sa pamamasyal sa bahay ko. Diwangtanglaw po ulit. ^_^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s