Baliktanaw. Ang hiling…

May nakasalamuha ako, medyo makulimlim.
Pero ng nakasabay ko na, umaaliwalas na ang ihip ng hangin.
Marami siyang dala, ang hirap na nga nya buhatin.
Mga pabigat na pilit kinikimkim.

Nagdurugo na ang mga balikat nyang pilit itinataas.
Para sa mga dahilang ayaw bigyan ng wakas.
Ang kapayapaan ng kaisipan at ang lakas.
Dalawang bagay na hindi pwedeng kumupas.

Sa tagal ng pasakit, bakit pa ipipilit?
Dahil ba ang tali ay sobrang higpit at sikip?
O ang mga kamay na magkakalag ay nakaipit.
Sa mga paniniwalang tatamis din ang pait.

Mabuti na lang at hindi ka bumitaw.
Kahit na pinipilit ka ng umayaw.
Iba man ang tugtug sa kumpas ng iyong sayaw.
Ang determinasyon mo ay hindi pa rin naagaw.

Masaya ako sa iyong pagbabalik.
Dahil sa munting talinhaga ko ikaw ay nanabik.
Ang mga ngiting dati-rating tahimik.
Ngayon ay gumuguhit ng napakatarik.

Salamat kaibigan at naging bahagi ako.
Nagsilbing kaagapay habang natutulog ang mundo.
Hindi man madalas pero masaya ako.
Naging diwangtanglaw kahit papaano.

At ngayong sinagot na ang iyong mga dalangin.
Sana ay tuloy-tuloy na ang tangi kong hiling.
Kahit na ano pa ang unos na dumating.
Magningas ang alab ng magkapiling.

2 thoughts on “Baliktanaw. Ang hiling…

  1. Kahit gaano pa kabigat ang dala, gumagaan kapag may katuwang. Pero sana ang tinaguriang “katuwang” ay hindi “katuwang” lang sa pangalan.

    Maraming salamat sa pagbisita J.Kulisap!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s