Takip-silim

Nung una, di kita masyadong napapansin. Di ka naman kasi pansinin dahil sa napakasimple mo. Hindi kita napuna dahil sa iba ang hinahanap ng mga mata ko. Pero bakit nung tumagal mas matingkad na ang kinang mo sa kanila. Mas masarap ka nang kausap at kasama. Hindi na kumpleto ang araw ko ng hindi mo ako napapatawa. Hindi na ako makakilos ng hindi nakukuha ang opinyon mo. Mas nakikinig na ako sa mga sinasabi mo. Pero sa totoo lang, nararamdaman ko na unti-unti mo na akong binabago. Napapansin na nga yan ng mga tao sa paligid ko. Hindi na raw nila makita ang dating ako pero alam ko at alam nila na mas napapabuti na ako.

Sa totoo lang ang hirap iwanan ng dating ako pero alam ko na makakabuti sa akin at para sa akin ‘to. Ayaw ko na rin naman balikan ang dating ako. Ayaw ko na sa mga bisyong sumisira sa katawan ko. Ayaw ko na ang pakiramdam na parang okay ako pero sa totoo lang kinaaawaan ko na rin ang sarili ko. Masyado kasi ako nagpaapekto sa mga nakaraan kaya siguro nabulag na ako ng emosyon kong hindi na alam kung saan tutungo. Salamat ha! ikaw ang nagpaintindi sa akin na may mas mahalaga pa pala akong dapat na inaasikaso. Salamat sa mga pang-unawa mo. Salamat at nakilala kita at naging bahagi ng buhay ko.

Sana huwag ka magsawa ha. Alam ko naman kung hanggang saan lang ako at alam ko naman na hindi mo ipagdadamot ang mga panahong kaya mo ng ibigay sa akin. Ang dami kong “sana…” at ang dami kong “bakit?”. Pero gaya nga ng sabi mo, lahat naman ng bagay ay nangyayari sa kanya-kanyang dahilan. Walang hindi sinasadya at walang nagkataon lang. Kung ano man ang dahilan at ngayon ka lang nya ipinakilala at ibinahagi sa akin, ang hiling ko lang sana makasama pa kita ng mas matagal pa. Kung pwede nga lang e dapat hanggang-hangga.

Huwag kang mag-alala. Hindi ako lalampas sa linya. Hindi ko hahayaang dumating yung panahon na ako ang magiging dahilan ng pagkawala ng mga ngiti mo sa mukha. Alam ko naman na hiram lang kita at nakikihati lang ako. Kung pwede ko nga lang sýa kausapin para sabihin na hindi ako banta sa inyo gagawin ko yun pero ciempre gaya nga ng sabi mo e baka mamaya e sumiklab ang ikatlong digmaang pandaigdig. Ayoko naman mangyari yun dahil alam kong malaki din ang magiging epekto sa akin nun.

Haaaay! Bakit ngayon ka lang? Bakit nga ba? Hahanapan ko pa ba yan ng sagot? Sa tingin ko hindi na. Masaya at kuntento na ako sa mga konting panahon na nakakasama kita. Kahit na alam ko na hindi ka kailanman magiging akin (maliban na lang kung mawala ka sa tamang pag-iisip at sumama ka sa akin, hehehe! kailan kaya?), higit pa sa inaasahan ko ang naging bahagi mo sa buhay ko ngayon at sa mga darating pa. Sabi mo pa na “huwag akong masanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko”, hindi yata pwede sa akin yun dahil magmula pa nung nakilala kita, mas lalu kitang hinahanap-hanap lalu na sa pagmulat palang ng aking mga mata sa bawat paggising ko sa umaga.

Alam kong hindi na ako ulit makakahanap pa ng taong katulad mo at alam kong wala ng sinuman ang makahihigit pa sayo. Isa ka sa mga napaka-importanteng tao sa buhay ko kaya sana, habang nandito pa ako sa mundo, huwag kang mawawala sa tabi ko.

7 thoughts on “Takip-silim

  1. kanta nalang tayo binibini..

    Aabangan ko na lang ang pagbalik mo
    Aabangan ko na lang na mabuo ang puso mo
    Aabangan ko na lang kahit papano
    Aabangan ko na lang
    Masaya na akong ganito

    yan ang naalala ko pagkabasa ko ng entry na to… backread talaga ang ginawa ko..hehe

  2. MInsan sa buhay ko pinasok ko ang isang napaka kumplikadong mundo. Pinairal ang puso na dapat sana’y … ang nasa utak ang susundin. Pero ganun pa man. May aral na natutunan at mga alaalang tanging ikaw lang ang makakaalam.

    Naantig ako sa entry mo.

  3. Tanong ng gamu-gamu, “Mapanganib nga ba talaga ang lumapit sa apoy?”

    Hindi na nagdalawang-isip na subukan para ang tanong na bumabagabag ay matuldukan. Nang matapos ang pagdarang, napagtanto sa sarili ang aral na dapat matutunan.

    Sambit na lang sa sarili, “Basta’t bawal, masarap!” Har har har!

  4. ang sagot kay gamu-gamo, hindi mapanganib ang lumapit sa apoy hangga’t alam mo kung hanggang saan ka lang dapat, dahil batid natin na ang walang tutumbas sa halaga ng kasiyahan ang makita at madami ang kunting init na dala ng apoy…wag lang sa paraang buong pagkatao na ang matupok.

  5. tao lng nmn tyo…nagmamahal at minamahal…ang kaibahan nga lng minsan huli n ntin cla nkikita at nabibigyan ng pansin kung kelan kumplikado n ang lahat.

  6. Tama! Kaya hindi na tayo dapat nagtatanong ng bakit dahil ang lahat ng yan ay pinangyari ng naaayon sa tamang balanse. Ang higit na mas mahalaga ay kung ano na ang meron sa ngayon na produkto ng mga aral na natutunan na nagmula sa malawak na pang-unawa.

    Salamat sa muling pagdalaw Shmily!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s