Sentikuno…

Another Sunday morning once again! Ay teka, mali yata ang bungad ko. Isang mapagpalayang Linggo sa inyo! Ang saya nanaman nito. Siyempre! siyempre! Kagaya ng dati, magiging mahaba ang araw na ‘to. Pero ang gusto ko, dito lang ako sa bahay. Kasama ang pamilya, kinig ng musika, kain kapag nagutom, nood ng tv at dvd at ang pinakapaborito ko – matulog sa hapon. Madalang ko na kasi nagagawa yan kaya sisiguruhin ko na makakatulog ako ng sapat pagkatapos ng pahinga pagkakain ng tanghalian.

Haaay! Nakakamiss! Kumusta? Ang dami nang nangyari. Yung iba nasakyan, yung iba hindi maunawaan. May determinado, may nagugulumihanan. Muntik na nga magkawalaan pero buti na lang at nahanap pa ng tumanaw na sa malayo. Nakuu! hindi ko yata linya yun at hindi ako yun pero nakita ko ang sarili ko na nakasunod sa mga yapak ng nakapiring ang mga mata. Nakakatawa lang isipin na ang dating nakatanaw e sya na ngayon ang tinatanaw. Kung sabagay, wala naman permanente maliban sa pagbabago kaya hindi na dapat magtaka di ba?

Namimiss ko ang mga kaibigan ko ng mga nasa malayo. Naalala pa kaya nila ako? Ay sus! tono na ng nagtatampo. Ciempre naman hindi! Hahaha! Hindi na nga nila ako naaalala. Hmmm… for sure maiisip nila ako kapag mag kailangan na ulit sila. Pero akala ko lang naman yun. Alam ko naman na hindi man kami madalas magkumustahan, nararamdaman ko na rin sila dito bilang mga kaibigan kaya walang dahilan para pag-aksayahan ko ng pagtatampo ang ganung kababaw na katwiran. Dahil kung hindi man, hindi ko sila kawalan. Har har har!

Pero sa totoo lang. Ang namimiss ko ay yung mga makabuluhang kwentuhan. Yun bang kahit na isang tasang kape lang ang pinagsasaluhan e parang isang engrandeng handaan ang kaharap dahil sa sarap ng usapan e halos hindi maubos-ubos ang laman ng iniinom. Oo nga at nagkakausap dahil sa tawagan pero ang bilis naman kasi kaya hanggang kumustahan lang. Hindi na nagagawang pag-usapan ang mga nangyayari sa ilalim ng araw at buwan. Bakit kasi ang layo mo, nung huli akong nandyan hindi ko pa naramdaman ang mga yakap mo. Mas lalu tuloy ako nangungulila sayo. Pero sa susunod na pagkikita huwag mo na kalimutan ibigay yan ha! Dahil kung hindi, wala na akong ipapadalang mp3 at pictures ko. (Para mas lalu nyo akong mamiss ^_^)

Haaay! Sapat na muna yan siguro, dami ko pang gustong gawin sa Linggong ito. Magbobonding pa kami ng mga askal at pusakal ko. Mag-aani at magpaparami rin ako ng tanim. Sa susunod na ulit ha! Susulitin ko pa ang araw na ‘to.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s