Ang Ending

Ano nga ba ang ending? Natanong mo na ba ito sa sarili mo? “Paano kaya ako mamamatay? Kapag namatay na ako, ano kaya ang mga mababago sa mundong naiwan ko?” Ilan lang yan sa mga tanong at madami pang iba. Pero madalang kasi mapag-usapan kaya iilan lang sa atin ang may idea kung ano ang gusto nating ending sa buhay. Lahat kasi tayo dun ang tungo pero naisip mo na ba kung ano ang meron pagkatapos nun?

Subukan natin sagutin yung naunang tanong. Ang pinakamagandang paraan siguro ng pagkamatay ay yung hindi na lang magising. Maliban sa parang natural lang na paraan e wala ng masyado pang usap-usap at issue kapag ganun ang ikinamatay mo. Maliban na lang siguro kung may history ka ng paggamit ng drugs or meron kang sandamukal na bisyo. Baka sa huli e mairelate pa sa pamilya mo yung mga bisyong meron ka. Tsk tsk tsk, nakabahid pa sa magandang imahe ng mga maiiwan. Pwede rin siguro dahil sa katandaan o talagang hanggang dun na lang ang limit mo dahil sa sobra kang mabait.

Pwede rin yung cause of death ay isang sakit. Pero hindi rin siguro kasi kung
matatagalan ka pa bago ka mamatay e siguradong sisimutin ng sakit mo ang lahat ng laman ng bulsa ng pamilya mo para lang matustusan at madugtungan ang buhay mo. Tapos sa huli, tigok ka din namang matatagpuan. Ang saklap ano, namatay ka na, umubos ka pa ng pera. Mas okay pa rin ang hindi na lang magising.

Mas masaklap naman ang mamatay sa isang aksidente gaya ng masagasaan ka ng isang 18 wheeler truck at lasug-lasug na iipunin ang pira-pirasong bahagi ng katawan mo sa kalsada. O kaya naman e makulong ka sa isang bahay o gusaling nasusunog at para ka ng nacrimate ng matagpuan. Nakuu! Isama mo pa yung pagkamatay sa tubig. Nalunod sa dagat o sa ilog at ilang araw na hindi matagpuan. Nang makita, namamaga na at malambot na ang laman na madali ng mahiwalay sa buto. Tapos ang amoy, Grrrr! Astig na nakakasulasok!

Kung matabunan ka naman sa landslide tapos hindi na mahanap, make sure lang na maigawa ka pa rin ng lapida para sa formality ng ‘yong pagkamatay. Siguruhin lang na natabunan talaga ha, baka mamaya nyan e nakaligtas pala tapos sinadya na lang na hindi magpakita.

Ang masaksak ng ice pick, mapagkamalian ng pulis na magnanakaw at mapatay sa shoot-out, makuryente sa rice cooker, matetano sa pagkaapak ng pako, marabies sa kagat ng aso, masalvage, masabugan ng pillbox at kung anu-ano pa ay ilan lang sa mga pwedeng dahilan ng pagkamatay. Maaaring hindi natin ginusto pero kapag sinabi nga naman na aksidente e para na lang tayong bata na inagawan ng lollipop. Pwede pa tayo nyan makahanap ng hustisya. Pero kung ang dahilan ng pagkamatay ay suicide, mapapailing na lang ang mga naiwan dahil sa katangahang ginawa.

Para sa kasunod na tanong, mapapaisip ka talaga. Para kasing kailangan ng sukatan para mapagtanto kung ano ang naging halaga mo nung nabubuhay ka pa. Sa tingin ko kaya na natin ito sagutin sa ating mga sarili dahil mas alam natin higit kanino man kung ano tayo nung nabubuhay pa. Sa ating pagkawala maaaring may mangungulila, maaaring may matutuwa. Pero kung ako ang tatanungin, kapag naabot ko na ang ending, gusto ko mananatili ang prisensya ko sa mga maiiwan ko at maalala ako ng mga tao sa masaya at magaganda paraan.

One thought on “Ang Ending

  1. Pingback: Ang Pagpatak ng Ulan sa Loob ng Bahay « Diwangtanglaw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s