Byahe ni Bunso

Ikaw kasi di ka nagkukwento kaya yung mga info na tuloy lumalapit sa akin.

Sa byahe ng buhay, marami tayong nakikilala marami tayong nakakasabay.
“People really touch our lives” ika nga at ganun din tayo sa kanila. Ang kaibahan lang e kung gaano kababaw at kalalim. May mga makakasabay mo sa byahe ng panandalian, meron namang makakasama ng matagal. Depende na lang sa kanya kanyang patutunguhan at bababaan.

Sa totoo lang, ganun naman kasi dapat na sa mga panahong magkakasama pa
kayo sa byahe e talaga naman dapat na i-enjoy ang mga time na pinagsasamahan.  Wala kasing permanente. kahit na yung mga pinili natin at nagdecide na sumama sa kung saan man ang destinasyon natin, hindi rin yun permanente dahil sa kahabaan ng byahe, darating talaga yung punto na kailangang lumiko or bumaba yung isa. Siguro pagkatapos ng mga ilang cutting trip, baka muli kayo magkasama sa rest stop o terminal depende na sa kagustuhan ng bawat isa.

Ciempre lumilipas ang araw isa-isa pero hindi mo ba napapansin na tumatanaw ka sa harapan sabay sambit na “malayo pa ba?” Kailangan din kasi natin isipin kung ano ang darating pa para kung sakaling malayo at mahaba pa ang byahe e maihahanda natin ang ating mga sarili.

Totoong hindi natin alam kung ano ang mga darating pa. Gaya nga ng sabi mo maaaring masaya, maaaring hindi rin maganda. Kung alin man dyan sa dalawa, Isang hamon yan na dapat nating harapin ng may ngiti at saya.

“Hindi importante kung paano mo kahusay iniwasan ang mga lubak at mga sira-sirang kalsada o kung gaano ka kabilis sa byahe na iyong tinatahak kundi kung gaano ka kadalas huminto at nagbigay-pansin sa mga maliliit na bagay na nagpapatingkad sa buhay para mapagtanto kung gaano ito kahalaga.”

Sa mga bagay na matututunan, May mga aral talaga na kahit na alam na natin, hindi pa rin natin masasabing lubos na naiintindihan hangga’t hindi tayo nalalagay sa ganung sitwasyon para personal na maranasan. Ciempre huwag din kalimutan na ang unang pagkakamali ay kawalan ng muwang, ang ikalawa ay para mas maintindihan ang natutunan at ang ikatlo, katangahan. Kung may pang-apat pa, bahala ka na kung paano mo ito bigyan ng paglalarawan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s