Obama Fever

Mula ng manalo nung election e hindi pa rin matapostapos ang pagdiriwang ng mga naniniwala sa mga pagbabagong inaasahan kay 44th elect President Barak Obama. Para rin story ng Fairy tale, sa una at e hinahamak hamak, nasa estado ng diskriminasyon at balewala lang sa mga mata ng mga naghahariharian. At sa pagkumpas ng mahiwagang stick “Expecto Petrona!” iba na sitwasyon.

Sa paglilok ng kasaysayan sa mga pangyayaring ito, marami ang umaasa ng pagbabago. Mga hamon para sa bagong upo na pangulo. Mga pag-asa na nagsusumamo tulad ng pagsalba sa pandaigdigang pinansyal na problema. Hindi lang para sa Estados Unidos kundi sa buong mundo. Ciempre nakatutok ang lahat ng mata ang tenga. Kung sakali man na hindi gumuhit ng malinaw sa una, huwag naman sana tayo puro batikos at puna. Kung magagawa natin sumuporta bakit hindi. Sa huli, kaliitliitan ka man na bahagi ng lipunan, lahat tayo ay apektado at may kinalaman.

Estados Unidos at Pinas? tama lang yung babala na ipinarating ng mga militanteng grupo sa tate’. Dapat lang na dumistansya si Obama sa kasalukuyang pangulo ng pilipinas. Kahit na kasi hindi sabihin, kahit saan anggulo mo tingnan, halimuyak nanaman ng pananamantala sa oportunidad ang nararamdaman. Ipagsasangkalan pa na pareho daw ng pananaw sa pagsupo ng terorismo pero sa kabila nun, baka maisugal nanaman ang walang kamalaymalay na yaman ng pilipinas at ang mga tao nito. Sa huli, pakinabang nanaman ng iilan. Ang malalaki ang tiyan patuloy na lumalaki.

Ang mga kumakalam na tiyan ng karamihan patuloy na mababawasan. Hindi dahil sa magkakaroon na ng laman kundi dahil sa mamamatay na lang ng hindi natin namamalayan. Ang saklap ano? isa lang yang usapin – ang kahirapan. Kung iisa-isahin natin marami pa. Pero hindi lang natin dapat ipasakamay sa mga lider ng bansa ang lahat. May mga bagay-bagay na nasa kontrol na natin at kaya naman natin pagpasyahan at pangyarihin. Sa kabuuan, kumikilos tayong lahat ayon sa ating mga kanya kanyang gampanin.

Para sa isang matagumpay na liderato ni Obama, isa ako sa mga naniniwala at sumusuporta.

Mabuhay ka Presidente Obama!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s