Smart, not so amazing!

Ilan ba sa atin na smart ang sim? Sa dami baka malula ka sa kung magkano ang halaga ng kinikita nila sa isang padala ng wallpaper, ringtone or themes na hindi mo naman nirequest.

Nakakainis lang isipin (actually nakakapanggalaiti) na kaloload mo lang e biglang tutunog ang cellphone mo dahil sa isang download na hindi mo naman ginawa. Madaming beses ko na naranasan at nasaksihan ang kaparehong senaryo. Ciempre mapapamura ka at kakamot ng ulo kahit na hindi makati dahil sa bawas na ang load mo ng hindi mo naman ginamit. Parang kaloload mo lang ng trenta at nakadalawang text ka palang, trese na lang ang load balance mo. Nakuuuu!

Heto ang isa sa magiting nilang paraan, itityempo pa na paubos na yung load mo at sobrang tinitipid mo yung natitirang amount para sa mga sitwasyong hindi inaasahan o para sa kahit na anumang emergency dahil napunta ka sa lugar na hirap makahanap ng mapagpapaloadan. Tapos sa isang tunog ng cellphone mo e ubos na load mo. Nakanampucha! Ang galing ano?

Kung nakapagload ka naman ng medyo malakilaki iba naman ang package na darating sayo.  Biglang sunod-sunod ang message na darating na sari-sari ang laman. Ito yung tinatawag na “thief combo package”. Kumpletos rekados sa dami ng automatic na mababawas sa load mo. Isang padala pa lang yan ha, halos sandaan na agad ang bawas.

Subukan mong itawag sa *888 para i-complain. Padrain na ang battery mo hindi ka pa nakaconnect.  Kung makaconnect ka pagkatapos ng kinseng redial, maswerte ka na nun. Magagalang at accomodating naman ang mga makakausap mo. Meron pa nga ako natry nagpapasa ng load. Dun itetrace yung mga naging transactiong nangyari sa number mo. Ang masakit na katotohanan dun mo malalaman dahil iisa-isahin nila sayo kung paano naubos ang load mo sa wala namang kwentang subscription na hindi mo naman ginawa.

Ang sistema, bibigyan ka ng mga procedure para pampalubag-loob tapos hihiritan ka ng kung anu-anong marketing strategy para hindi sila mawalan ng subscriber. Ang tuso ano? Ang higpit kasi ng kumpetensya pero wala akong pakialam sa kumpetisyon nila. Ang gusto lang naman natin dito, tamang serbisyo.

Try mo i-complain sa mga Smart Center ganun din ang sistema. Dapat kapag pumunta ka ng Smart Center may load yung number mo. Para daw matrace nila yung mga active na subscription na hindi mo naman inactivate. E sa ayaw mo na nga magload dahil nanakawin lang. Ang gusto mo lang e matigil yung mga automatic na ipinapadala ni Smart na automatic din na nagbabawas sa load mo. Bakit sa *888 may nasisilip silang database sa Smart Center wala? O isa nanaman marketing strategy para kumita ang Smart kahit hindi na nasisiyahan ang mga subscriber sa serbisyo nila.

Pagkatapos ng mahaba at nakakaabalang proseso, matitigil ang automatic downloads mo at mapapayapa na ang buhay mo PANSAMANTALA dahil pagkaraan ng konting panahon e ganun nanaman sa dati. Mabuti sana kung pinupulot lang yung pera na pinangbibili ng load. Sana naisip din ng Smart na pinagtatrabahuhan din yun. Mas okay pa nga kung minsan sa pinoy ang makabili ng load kahit na hindi na kumain.

Simply amazing na pagnanakaw.

Ang problem, wala naman kasi itong ipinag-iba sa mga kawatang snatcher at holdaper. Kahit san anggulo mo tingnan, isa itong pagnanakaw. Ang paraan lang ay ginagamitan ng teknolohiya ang lantarang pagnanakaw sa mga walang kalabanlaban na biktima. Sa level kasi ng ordinaryong mamamayan, hanggang complain na lang. Kaya kung meron naman dyan may kakayahan o nasa lugar na ipaabot ang reklamong ito sa kataas-taasang management ng Smart, paki-usap at pakisuyo na lang po. Pagkatapos ihain ang complain, tutukan ang sagot at solusyong ibibigay ng Smart. Daanin sa legal na paraan para dokumentado at walang baliktaran. Sa dami ng biktima ng pagnanakaw nila, sana matuldukan na. Ang hiling lang naman ng mga subscribers, maibigay ang tama at maayos na serbisyo sa katumbas na binayarang halaga.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s