Ilan lahat?

Kagagaling ko lang bumili ng balut sa kabilang kanto. Sa paglalakad ko sa kahabaan ng kalye sa amin ay may nasalubong akong isang matanda. Hindi man sya mangusap e ramdam naman na gusto nya yung dala ko. Tagus-tagus naman kasi sa plastic ang pag-aninag kung ano ang laman nito. Hindi naman ako nagdalawang-isip na ibigay ang kalahati ng kabuuan ng nabili ko at pakatapos ay dinagdagan ko pa ng isa.

Sa pagpapatuloy ko ng paglalakad ay nasalubong ko naman ang Tito ko. Inusisa ang dala ko, nanghingi at binigyan ko naman. Gaya ng nauna, ibinigay ko ang kalahati ng bilang ng natira sa akin at pagkatapos ay dinagdagan ko rin ng isa.

Nang malapit na ako sa bahay nasalubong ko naman yung bunso namin. Katulad kay Tito, binigay ko rin ang kalahati ng bilang ng natira sa akin at dinagdagan ko pa ng isa. Sa puntong yun wala ng natira sa akin. Eto ngayon ang masayang tanong. Ilan lahat ang bilang ng nabili kong balut?

Email na sa sweetest.jen@gmail.com ang sagot.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s