Butil ng buhay, kinakapos ba?

Isa nanamang reyalidad ang nakakabagabag. Ang pangunahing pagkain nating mga pinoy ay hindi maawat ang pagtaas ng presyo sa merkado.  Baka sa kinalaunan, makakakain pa kaya ng kanin si Juan Dela Cruz?

Patuloy na ipinapahayag ng Pamahalaan at Department of Agriculture na walang krisis sa bigas at meron tayong sapat na imbak nito para matustusan ang pangangailangan ng mga Pilipino. Sa kabila ng magandang pagpapanggap na pahayag na yan e bakit nating kailangan mag-angkat sa Vietnam at Thailand para sa dahilang paniguruhan lang na hindi tayo kakapusin.

Sa atin pa nagsipag-aral ang mga “Rice Technician” ng mga bansang nabanggit para malinang ang kaalaman nila sa pagsasaka pero heto sila ngayon at sila ang nagsusupply sa atin at nagpapayo para sa masaganang produksiyon ng bigas. Nakakalunos isipin na ang isang agrikultural na bansa tulad natin ay mistulang namamalimos para maamutan lang ng supply.

Ang ugat at sanhi ng lahat, ang magigiting na pinuno at opisyal ng gobyerno na ang palipas oras na libangan at  ang “Graft and Corruption”. Nakakalunod na ang pagtaas ng presyo e wala pa rin mabilhan ang ating mga kababayan. Ang ipinagmamalaking NFA ay No Food Available na ngayon ang kahulugan. Kasabay nyan ay ang paglitaw ng monopolyo at kartel ng mga tiwali at mapagsamantalang mga negosyante.

Ang resulta, isang sambayanang sumasamo na sana e umulan na lang ng butil ng bigas mula sa langit. Mga kaawa-awang mga mamamayan na mamamatay na lang ng dilat sa gutom.

Maaaring naisantabi ng ilan ang mga katiwalian sa mga proyektong bilyon-bilyon ang pinag-uusapan. Pero kung walang gagawin ang gobyerno sa pagkontrol ng presyo ng pangunahin nating pagkain, hindi na ito pwedeng palampasin dahil kumakalam na sikmura na ng taong bayan ang nakataya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s