Ito Ba’y Paalam Na?

Kayrami ng nagtatanong, kayrami ng nag-uusisa. Bakit? Anong nangyari? Ang sagot, isang malamyang ngiti. May katagalan na rin kasi. Wala nga yatang dahilan. Kung wala na talaga, kahit sana sa pormal na lang na paraan. Sayang din naman kasi. Siguro nga hindi naman lahat ganun kadali. Mahirap at panghihinayangan talaga ang mga bagay bagay na lubos ng pinahalagahan. Mga bagay na nagbibigay ng dahilan para magpatuloy. Mga kayamanang iniingatan mula pa nung una hanggang sa ngayon at sa mga darating pa.

Isang buntong-hininga ang pawawalan sabay tingin sa kalayuan. Mapapatigil at mag-iisip. Parang napanood ko na ‘to. Hindi pa naman katapusan ng mundo, hindi lang talaga masisisi ang nararamdaman. Ganito lang talaga siguro, aabangan ang kasunod na kabanata.

Hindi naman ako aalis pero bakit nagpapaalam ka. Sayang ang luha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s