Hi! Hello! Tayo na?

Alam kong hindi na rin ito bago sa inyo. Ang mga tagpong nagsimula sa simpleng tinginan na nagpapakinang ng mga mata. Sasambit ng mga maiiksing pagbati kasabay ang mga matatamis na ngiti. Mga simpleng bagay na nagiging dahilan upang makapaglaan ng konting panahon para sa mga simpleng usapan.

Mga simpleng usapan na nadadalas sa anyo ng samut-saring paraan ng komunikasyon. Ang personal na pag-uusap, tawag, text, e-mail,chat at kung anu-ano pa. Mga kinakagawiang komunikasyon para mapanatili ang mga init ng ningas na nasimulang paalabin.

Ang punto ng pagpapakilala ng sarili at pagkilala na rin sa kausap. Ang mabababaw na pag-uusap na unti-unting lumalalim at nagiging makahulugan. Sa kabuuan ng proseso na ‘to. Mababakas mo ang mga ngiti sa labi ng bawat isa at ang pananabik sa susunod na kabanata. Maaaring mahaba o maiksing proseso pero sa mga panahon na yun e hindi na namamalayan na unti-unti na palang gumuguhit at nag-iiwan ng marka ang bawat isa.

Malaya man o bawal na pag-uugnay, hindi mo na yun mapupuna. Dahil nilulunod ka na ng kasiyang tinatamasa mo. Hindi naman maitatanggi na alam mo ang iyong sitwasyon pero hindi mo na rin binibigyan ng puna. Dahil ang mahalaga para sayo ngayon ay ang makulay na emosyon sa bawat pagsisimula sa paggising sa umaga.

Sa kahit naman anong edad nangyayari ito. Marami akong kakilala na sa ganitong paraan nagsimula ang istorya ng pag-iibigan nila. Marami din ako kakilala na dumadaan pa rin sa prosesong ito kahit nasa relasyon na. Kaya kung sa tingin mo ay nasa simula ka na ng prosesong ito, isang tingin muna sa malayo kasabay ng pagbubukas ng isipan para hindi mo nakita ang sarili mo na nagbubulagbulagan.

Sa huli para lang itong sugal. Maaaring manalo ka ng kaibigan o kasintahan. Maaari din matalo ka ng dignidad at karangalan. Nakasalalay na lang sayo kung paano mo haharapin ang sitwasyong ginagalawan. Simple lang naman ang pamantayan.

Parang napakakumplikado kung iisipin ano? Isang lumang tugtugin, bumilang man ng taon nakakaindak pa rin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s