Pagkatapos, Ano na ang kasunod?

Hindi na bago sa atin ang usapin tungkol sa “corruption”. Sumasalamin lang ito kung gaano kadumi ang pulitika at sistemang meron tayo. Magmula sa pinakamababang posisyon sa barangay hanggang sa panguluhan ng bansa. Pare-pareho ng kulay at gawain. Kamakailan lang e nagsipahiran na sila ng kani-kanilang putik. Ganun naman palagi. Kapag may nadungisan meron at merong maghuhugas. Kahit na sabihin mong sobrang linaw ang bahid ng katiwalian e pilit pa ring palalabasing malinis na parang walang kaalam-alam.

Ano nga ba ang bago dito? Wala naman. Sa ngayon e pilit na pinapatalsik ang kasalukuyang lider ng bansa. Ito na ba ang solusyon? Wala akong makitang magandang dahilan. E kung ang Bise ba ang papalit may kaibahan ba? Kahit naman siguro sino ang iluklok ganun pa rin. Patuloy pa rin na nasa pagdurusa ang mga simpleng mamamayan na hindi dapat nagdurusa sa pagpapakasasa ng malalaking buwitre at buwaya.

Isa lang naman ang ugat ng lahat. Baguhin at palitan ang bulok at inuuod na sistema. Bulagin ng tuluyan ang mga nasisilaw sa pera at sunugin ang sinumang maghahangad magkamal ng bahagi na dapat na para sa lahat. Ang bahaging para sa nakakarami ay dapat ibigay ng tama para ang dapat na makinabang ang siyang masayang nagtatamasa. Tingnan mo na lang ang layo ng agwat ng isang maralita na kung kumain ay halos isang beses na lang sa isang araw kumpara sa mga luhong milyon milyon ang halagang nalulustay para sa mga pansariling pakinabang.

Nakakainis at nakakalungkot isipin na ang pagdurusang ito e hindi pa matuldukan. Ano pa ba ang kailangan? Ano pa ba ang paraan? Sa nakikita ko, isa pa itong mahabang laban. Sana sa pagsasaayos ng sistemang ito e hindi na kailangan pang mamuhunan ng buhay para lang ang simpleng karaingan ay maisaayos at mapakinggan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s