Happy Valentines Day!

Kanina, maganda ang gising ko. Araw na kasi ng mga puso. Isang umagang may lilok ng ngiti sa mukha. Basta masaya kong sinimulan ang araw na ‘to. Oo nga pala may pasok pa ako sa trabaho pero ng dahil sa ganda ng simula ang araw ko e di ko namalayan na napahaba na pala ang pagmumuni ko. Muntik na tuloy ako malate.

Ano nga ba ang bago? Ano ang special sa araw na ‘to? Para sa akin, isang pagmumunimuni. Isang pagbabalik-tanaw sa mga nagdaang panahon ng pag-ibig. Mula sa pagsibol at pagyabong hanggang sa pagbunga at paghinog. Mga emosyonal na aral at karanasan na sya namang nagpapatibay sa kung ano ako ngayon. Sa mga sandaling binabalik-balikan ko ‘to, di pa rin maalis ang ngiti sa mga labi ko.

Sa dami na ng nangyari at pinagdaanan, madami na rin ang natututunan. Mas malalim na ang pag-unawa at pagpapahalaga ng damdamin. Mula sa mga kapusukang pumaso at sumugat hanggang sa paghilom at pagpilat. May masakit, may masaya. May pagtawa at pagluha. Halu-halung emosyon pero ang lahat ng yun ay magiging bahagi mo na. Panibagong paghubog para sa isang bagong pagkatao. Mas matatag kaysa nung una. Mas malalim at malawak ang pang-unawa at pagpapahalaga. Handang-handa na sa mga bagong mga pangyayaring darating pa.

Kung ano pa man ang nasa dako pa roon, sigurado akong marami pa akong matututunan. Gusto ko pa makita ang maramdaman ang ibat-ibang klase at level ng pagmamahal. Ganun din sa akin na maibahagi at maipadama ko rin kung ano ang meron ako. Kaya sa lahat ng mga damdaming umiibig at nag-aalab, isang maligayang araw ng mga puso para sa inyo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s