Long Weekend Vacation

If I recall it correctly, two months yata bago ang long holiday break na ’to ng magkayayaan. Nagsimula sa mga tanungan kung saang place magandang mag-unwind dahil sa sobrang pagkaka-engage sa work. And now, eto nga at magkakasama tayo sa napakalayong place nyo. But despite of the long hours of road trip, grabe! Sulit at gustung gusto ko na maulit ‘to.

What I like most? Mmmm… dami. Kagaya ng mga bagay-bagay na ngayon ko lang napansin at nagustuhan. Mga simpleng katangian na sa simpleng tingin e parang wala lang pero kung talagang susuriin e hindi mo na kayang ipagpalit sa kahit ano pa man. Sa pagkakakilala ko nga sayo parang ang gaan mo lang dalhin lahat dahil kahit na ang laking problema pa yan e kayang kaya mo lang tawanan na may kasama na palang solusyon ng di namamalayan. Kung minsan pa nga e kahit na seryosong bagay na e parang pabiro pa rin sayo kaya tuloy kung minsan e hindi ako naniniwala. Sorry ha, ahihihi! kung minsan di ako naniniwala, natural mo na kasi yun pero ngayon okay na, sulit ang tiwala na ibinibigay sayo dahil siguradong di ka mapapahiya. You’re the best!

May irereveal ako sana lang di mo ‘to napansin. Yung pag-aasikaso mo sa akin nung nandun na tayo sa inyo, lam mo ba na gusto na kitang yakapin nun habang ipinag-aayos mo ako ng higaan ko. Grrrr! Ang swerte nya sayo. Nakakainggit. Tagus-tagusan kong naaapreciate yung pagiging maalalahanin at maasikaso mo. Sana nga nagcross na yung landas natin ng mas maaga. Sana mas nauna ako sa kanya na nakilala ka. ang dami ko pang sana kaya lang di na kasi pwede magrewind ng panahon e. kaya kung ano ang meron ngayon, gagawin ko ang lahat hanggang sa kaya kong sulitin.

At ciempre hindi pwedeng makalimutan ang napakagandang beach. Hindi man puti ang buhangin, pino naman at malinis. Hindi rin mabato at walang kalat sa paligid. Gustong-gusto ko rin yung part dun na area ng snorkeling. Para ka ngang nasa loob ng aquarium e. ngayon agree na ako sayo na magaling kang sumisid. Hehehe! Dami kasing technique na alam. Hahaha!

Eto ang bago kong experience, although lumaki din ako sa probinsya namin e hindi ko naman nasubukan ang sumakay ng kalabaw. Sayo ko lang natutunan yun. hindi na pala kailangan ng tuntungan para makasakay ka, tatapak ka lang sa may tuhod nya, konting pwersa at makakasakay ka na. enjoy kapag lumalakad na dahil talagang babalanse ka lalu na kapag paakyat at pababa na yung daan. Eto proud akong sabihin ‘to. Kahit na first time ko yun, hindi ko nasubukang mahulog. Kaya nyo yun?! sino kaya yung nahulog dun? Hehehe!

Yun nga lang di ako sanay na mag-igib ng tubig, di ako sanay magbuhat ng mabigat e kaya nung ipinag-igib mo ako ng paligo ko, ramdam ko na isa akong dalagang pilipina na napakahaba ng buhok abot hanggang edsa. Ang sarap siguro mabuhay nung mga panahon na yun no? yung pinag-iigib ka ng manliligaw mo, pinagsisibak ng kahoy at kung anu-ano pang pagsisilbi. Haaaay! The best ka talaga.

Uy! Malapit na pala ang holy week at isa nanaman yung mahabang holiday break. kung papalarin ako sa kasunod na pagkakataon, pwede ba ako sumama ulit? Ehmm… gusto ko yun maulit.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s